Militante nagpapansin kay George Clooney
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang ginawa nung minsan ni Edu Manzano sa Pilipinas Game Ka Na Ba kung saan he showed another side of his personality nang hubarin niya ang kanyang t-shirt para makipagpalit sa isang contestant - si Pogs Lasal. Maraming nagulat sa gesture at touched na televiewers sa ginawa ng award-winning host and OMB (Optical Media Board) chair kaya naman kabi-kabila ang congratulatory text messages ang natanggap niya. The messages showed how pleased they were at seeing how compassionate Edu is to others, especially to those with less in life, like the 29-year-old collector from
Edu’s touching gesture stemmed from Pogs’ admission on nationwide TV that he couldn’t continue his studies because his siblings said he won’t amount to anything in life. Edu, touched by Pogs’ determination to help himself by watching shows about putting up a business, came up with the idea of changing places with Pogs.
After ng three-minute break, nakapagpalit na ang dalawa ng t-shirts. Pogs was wearing Edu’s long-sleeved shirt while the latter slipped into the Caviteno’s short-sleeved white polo. Edu even took it one step further by wearing Pogs’ name tag on his newly-exchanged shirt.
Hindi man naiuwi ni Pogs ang jackpot prize that day (he won P10,000), but he left the show with greater confidence and a wide, wide smile that lit up his face.
* * *
Umeksena na naman ang mga militante. Kung
Sadly kasi, hindi sila pinansin ni Angelina
Kaya ngayon, si George Clooney naman ang hiningan nila ng tulong:
Heto and report ng Associated Press:
Isang militanteng grupo ng mga mangingisda ang nanawagan kamakalawa sa Hollywood star at messenger of peace ng United Nations na si George Clooney na hikayatin ang pamahalaan ng Pilipinas (GRP) na bumalik sa usapang pakikipagkapayapaan sa National Democratic Front.
Ipinahayag ng Pamalakaya ang panawagan sa isang liham na ipinadala nila sa aktor sa pamamagitan ng tanggapan ng UN sa
“Ang aming sektor ang isa sa higit na tinatamaan sa operasyon ng militar laban sa mga rebeldeng komunista,” sabi pa ng Pamalakaya. “Naniniwala kaming malaki ang inyong magagawa at magiging isa kayong instrumento ng kapayapaan sa aming bansa sa paghiling sa pamahalaang Pilipino na buhayin ang usapang pangkapayapaan.”
Ang usapang pangkapayapaan ng pamahalan at ng NDF, isang umbrella organization ng mga maka-Kaliwang grupo tulad ng Communist Party of the
Noong nakaraang linggo, itinalaga ng UN si Clooney bilang Messenger of Peace para sa misyong pangkapayapaan ng pandaigdigang organisasyon.
Nauna rito, isang militanteng grupo ng mga magsasaka ang nanawagan sa isa pang UN goodwill ambassador at
Ayon naman kay Cabinet Secretary Ricardo Saludo, papayag ang pamahalaan na buksan muli ang usapan kung papayag ang NDF sa tigil-putukan.
* * *
Nami-miss ni Diana Zubiri si Ara Mina sa Bubble Gang. Kaya nga raw madalas silang mag-text.
Nami-miss daw nila si Ara lalo na pag oras ng kainan dahil sa kanilang lahat, si Ara ang madalas kumain ng kanin.
Anyway, nagkalat sa friendster account ni Ian de Leon ang picture nila.
Ang impression tuloy ng mga nakakakita, sila na. Pero say ni Diana, never na naging sila ni Ian.
So nang i-deny niya, akala ng marami basted si Ian. “Hindi naman siya nanligaw sa akin, so paano ko naman siya babasterin,” sabi ni Diana nang maka-tsika namin nung minsan sa presscon para sa kanila ni Ogie Alcasid for My Funny Valentine concert on February 8 sa Crowne Plaza Ballroom.
Maga-ala Madonna siya sa nasabing concert pero may iba pa rin siyang pini-prepare.
* * *
May mga nag-react na sa affidavit ni Jovy M. Peregrino, propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP, Diliman. Base sa kanyang affidavit, nagtuturo siya ng mga kursong pangwika, ugnayan ng wika, kultura at lipunan, kurso ng pananaliksik at mga suliraning pangwika.
Isa si Propesor Peregrino sa maraming testigo nina Piolo Pascual at Sam Milby sa kasong libelo laban kay ‘Nay Lolit Solis sa artikulong lumabas dito sa PSN.
May kahabaan ang affidavit ni Prop. pero ang nakakasakit ng damdamin, hinusgahan niya ang mga tabloid readers na madaling impluwensiyahan ng mga nababasa at lahat ng nababasa nila ay pinaniniwalaan nila.
Ayon kasi sa kanyang affidavit:
“Nais kong ipaalala na ang paggamit at pagbasa ng tao sa akademya ay hindi simple. Kami ay may pagsasanay sa pagsusuri ng mga panulat. Sabalit sa aking palagay, may kaalaman man o wala sa pagsusuri ng panulat, para sa mga mambabasa ng mga tabloid na karaniwa’y naghahanap lamang ng libangan, wala (ng) usapin ng akademikong diskusyon. Ang bawat pahayag ay dinadampot ng mambabasa, lalo na ng mga mambabasang walang pagtanggi. Kung ano man ang isinulat at interpretasyon ng manunulat hinggil sa isang kaganapan ay iyon na rin ang nagiging interpretasyon at pang-unawa ng pangkaraniwang mambabasa.”
Iba rin ang naging pananaw ni Prop. sa presentasyon ng isang dyaryo.
“Ang pagsisiwalat sa pangalang Piolo at Sam sa kalagitnaan ng arikulo ay ginawa sa pamamagitan ng malaking titik o bold letter. Sa amin sa akademya ang paggamit ng bold letters sa anumang panulat ay nagpapakahulugan ng pagpapaalsa at pagbibigay emphasis sa anumang naka-bold na isinusulat. Nagbibigay ito ng kahulugan na ito ang highlight ng tinutukoy na teksto.”
Katulad nga sa naunang sinabi ko, iba po ang paggamit ng akademya sa paggamit ng mga letra ng presentasyon sa isang pahayagan lalo na sa tabloid na hangga’t maaaring pagandahin ng mga iba’t ibang design at maging kaaya-aya sa mambabasa ay mas maganda.
At sir, matatalino po ang readers ng tabloid. Hindi sila basta-basta naniniwala dahil ginagawa lang nilang basehan ang kanilang nababasa. (SALVE V. ASIS)
- Latest