^

PSN Showbiz

Bakit nga ba pagkarami-rami ng witnesses nina Piolo at Sam?

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Napanood ko nung Sabado yung paghaharap nina Mark Herras at EB Babe Lian at sabi ng mga ka-‘swimming’ ko na karamihan ay mga tsiks, nakikisimpatya raw sila kay Lian dahil lumabas na dehado ito sa kinalabasan ng relasyon nila ng aktor.

But then, sa ganito namang hiwalayan, anuman ang maging dahilan, sino man ang may kasalanan, ang simpatiya ay palaging nasa babae.

Awang-awa raw sila kay Lian dahil ayaw na  sa kanya ni Mark. Mabuti na lamang at pagkaganda-ganda niya sa TV screen, parang nabawasan ng malaki ang pagiging kawawa niya.

My friends found it unfair para i-submit sila ng programa sa ganun kasakit na sitwasyon. Lalo na kay Lian, na obvious na tinapangan na lamang ang sarili dahil wala na siyang choice, kaharap na niya ang ex-boyfriend.

Kung pinapili siya, sigurado ang mga kaibigan kong babae, hindi muna ito makikipag-face-to-face kay Mark. Natapos at natapos ang programa na galit sila kay Mark.

* * *

Ang daming nagri-request na gawan ko naman daw ng paraan na ma-reunite din daw sa TV ang Guwapings.

Gustung-gustong makita ng mga fans na muling magkakasama kahit man lamang sa Walang Tulugan sina Mark Fernandez na napapanood sa kasa­lukuyan sa Kamandag bilang nemesis ni Richard Gutierrez, si Jomari Yllana naman na kontrabida sa Palos at Eric Fructuoso na napanood minsan na nakikipag-boksing sa Pinoy Mano-Mano at balitang isa nang kaga­wad ngayon.

Gumawa rin ng mala­kas na impact ang tatlo nung kapanahunan nila  at naging bukambibig ng mga fans.

Oo nga naman. Siguro nga marami pa rin ang interesadong malaman ang update sa kanila.  Pangako, aayusin ko.

* * *

Bakit nga kaya pagkarami-rami naman ng mga witnesses na isinama sina Piolo Pascual at Sam Milby sa  pinakahuling pagdalo nila sa kasong isinampa  nila laban kay Lolit Solis? Inasahan ba nilang masisindak nila ito sa rami nila? Eh,hindi pa naman kailangan ang physical presence nila nung araw na yun kundi ang kanila lamang lagda sa kanilang mga affidavit.

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng kasong ito na ang napeperwisyo ng husto ay ang friend kong si Vero Samio na nadamay lamang. May sakit ito’t nilalagnat nun but she had to be there only to find out na wala pala si Lolit. Eh si Lolit ang talagang naka-demanda at sabit lamang siya!

Poor, poor Vero! Imbes na ma-enjoy ang retire­ment niya, ayun at nakikipagbuno sa traffic para makarating sa hearing niya.

vuukle comment

BABE LIAN

ERIC FRUCTUOSO

JOMARI YLLANA

LIAN

LOLIT

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with