‘I dare them na iurong nila ang kaso o mag-submit sila ng affidavit of desistance at kapag ginawa nila ito, magre-retract ako’
No problem sa akin kung naglabas ng 14 witnesses sina Sam Milby at Piolo Pascual.
Kanya-kanyang paniniwala lang naman ‘yan. Okey lang sa akin kung mas naniniwala sila sa cause na ipinaglalaban nina Sam at Piolo.
Walang problema sa akin kung nag-witness si Cristy Fermin dahil eversince parang anak ang trato niya kay Piolo.
‘Yung kay Rica Peralejo, medyo nagulat ako dahil out of the blue, bigla siyang sumali sa eksena. Baka nga girlfriend siya ni Piolo.
Kay Angel Locsin, wala akong kagalit-galit dahil
Pero may dare ako kina Sam at Piolo. I dare them na iurong nila ang kaso o mag-submit sila ng affidavit of desistance at kapag ginawa nila ito, magre-retract ako.
Palagi nilang sinasabi na kapag nag-retract ako, hindi nila itutuloy ang kaso. Kung magre-retract ako, eh di nakasuhan pa ako ng perjury?
Maglabas muna sila ng affidavit of desistance at kapag nangyari ito, gagawin ko kung ano ang gusto nila. Huwag na tayong magbolahan. Tama na ang pagsasalita na papatawarin ninyo ako. I dare them!
* * *
Nagkita kahapon sa studio ng Startalk ang ex-lovers na sina Mark Herras at Lian Paz.
Naging civil ang dalawa sa isa’t isa at hindi sila nagdedmahan tulad nang nangyari noong una silang magkita sa SOP pagkatapos ng kanilang paghihiwalay.
Sinagot na ni Lian ang aking curiosity tungkol sa direktor na si Jeff Tan na anak ni Bella Tan at direktor pala ng Eat Bulaga.
So, ang Eat Bulaga ang connect nina Lian at Jeff na nabalitaan ko na nagregalo ng i-Phone sa fadir ni Lian na inilagay pa sa loob ng hamon.
Idinenay ni Lian na niregaluhan siya ni Jeff ng i-Phone dahil ibang model ng cellphone ang kanyang ginagamit.
Napansin ko na medyo na-tense si Lian nang banggitin ko ang name ni Jeff. Why kaya?
* * *
Ang jacket na regalo sa kanya ni Lian ang suot kahapon ni Mark dahil nanghihinayang siya na huwag gamitin ang jacket.
I’m sure, kinilig-kilig si Lian nang makita nito na suot ni Mark ang jacket na ibinigay niya. Baka nga nagkaroon siya ng hope na magkakabalikan sila ni Mark dahil may-I-wore pa nito ang jacket.
Naiyak-iyak ang mga tao sa studio nang kausapin ni Mark si Lian sa harap ng kamera na malapit na silang mag-usap tungkol sa kanilang break-up.
Nakaramdam sila ng panghihinayang dahil may suspetsa sila na hindi na magkakabalikan ang dalawa.
- Latest