^

PSN Showbiz

Aminado si Martin: ‘I’m a better ex than a husband’

- Veronica R. Samio -

Inamin ni Martin Nievera na kasalukuyang nasa bansa para sa ilang pagtatanghal para sa XVR Events at 105.1 Crossover na ang pinaka-highlight ay ang pagbabalik niya sa isang concert sa Araneta Coliseum na huli siyang nagtanghal nung 2004, na hindi niya iniisip na mag-asawa pang muli, kahit na kay Katrina Ojeda, ina ng bunso niyang si Santino.

“I’m afraid of marriage, always will be,” aniya.

Pinamagatang Martin Nivera XXV, ang concert sa Araneta sa Pebrero 1 ay isang selebrasyon ng kanyang ika-25 anibersaryo bilang isang singer.

“We will test the crowd, if they still want to listen to me, kaya nga nag-iisa lang ako, wala akong kasama sa show except a 28-piece FILharmonikA Orchestra under the baton of Gerard Salonga and my sons Ram & Robin who said that they wanted to be in the show for free.

“We will try to make the show unrepeatable even though we will be taking it on a provincial tour (the Waterfront Hotel in Cebu City on April 30, Cagayan de Oro City on May 10 and at Clark Expo Pampanga on Mayo l7). But I don’t want to be praised for the show. I just want to leave a legacy,” dagdag pa ni Martin na napakalungkot nang humarap sa media para sa mga nasabing palabas. Sinabi niya na kinagabihan ay maghaharap sila’t mag-uusap ng kanyang ex wife na si Pops Fernandez.

 “As a team, Pops and I have never been disconnected, there is no closure pero, ayaw ko yung mga intrigues, I just want us to sing beautiful music together.

 “I was just forced to talk out of disappointment and frustration, para hindi maniwala ang tao na totoong lahat yung mga sinabi ni Pops, although I will admit I’m a better ex than a husband,” dagdag pa niya

For Martin Nievera XXV, which will have Louie Ocampo as musical director and Rowell Santiago as stage director, Martin will be singing songs he has recorded, mula Be My Lady hanggang sa mga awting nai-record niya pero hindi pa nakakanta. At lalo na ang mga paborito kong You Are My Song at Kahit Isang Saglit.

Para sa mga tiket, puwedeng tumawag sa 9115555 at 68001051.

* * *

Hindi na tumigil ang suwerte ni Allen Dizon simula nung manalo siya ng acting awards (best supporting sa FAMAS at sa Star Awards para sa Twilight Dancers).

Kasama siya sa bagong adventure series ng ABS-CBN na Kung Fu Kids kung saan ay isang mayaman ang role niya, palaging naka-coat at sakay ng mga mamahaling sasakyan.

“Kung dati mahirap ako’t di nag-aral, dito ay mayamang pulitiko ako’t inglisero,” sabi niya.

“Dalawang seksing babae rin ang kapareha ko, sina Renee Summer at Asia Agcaoili.”

 Plus sina Sid Lucero, Mickey Ferriols, Jhong Hilario, Wowie de Guzman, Erich Gonzales, Gerald Pizzaras at Arlene Muhlach. Sina Malu Sevilla at Richard Arellano naman ang mga direktors.

* * *

 Hindi pa rin natitinag ang Zaido, Pulis Pangkalawakan na kinabibilangan nila Zaido Blue/Gallian (Dennis Trillo), Zaido Green/Alexis (Marky Cielo) at Zaido Red/Cervano  (Aljur Abrenica) sa tumitinding laban nila sa mga Kuuma na pinamumunuan ni Le-ar at Ida (Paolo Ballesteros).

Sa battle of the bands na sinalihan ng mga Zaido kasama si Amy (Kris Bernal), makikilala ng mga superheroes ang monster na si Roko Loko na siyang padala ni Le-ar para sakupin ang Planetang Earth. Kasama ni Roko Loko ang mga Amazona upang ma-hypnotize ang mga tao gamit ang kanilang musika para maging sunud-sunuran ang mga ito sa pag-uutos ni Ida. Paano nila tatalunin ang pinakabago nilang kalaban?

Ano naman ang mang­yayari sa love triangle nila Carmela (Diana Zubiri), Alvaro (Raymart Santiago) at Gallian ngayong nadis­kubre ng huli na si Alvaro at Gamma ay iisa at siyang pumatay kay Zaido Blue?  Sa sagu­paang Zaido Blue vs Gamma, sino ang mag­wawagi? At saan na nga ba mapupunta ang relas­yong Alexis at Amy nga­yong mas gusto pala ng dalaga ang anak ni Drigo (Jay Manalo) na si Cervano?  Maging dahi­lan kaya ito ng pagkaka­watak-watak ng Zaido Pulis Pangkalawakan?

Huwag bibitaw sa mas marami pang rebe­lasyon at mas umaatika­bong kabanata ng Zaido Pulis Pangkalawakan mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Tele­babad.

* * *

E-mail:  [email protected]

SHY

ZAIDO

ZAIDO BLUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with