Angelika gustong tapatan si Hilda
Walang pagbabagong nararamdaman si Angelika dela Cruz sa pagbabalik-GMA nito kamakailan. Narun pa rin ang pagmamahal at suporta ng mga kasamahan at mga big boss ng network. Katunayan ay dalawang ulit na itong binigyan ng bonggang welcome sa programang SOP at SIS.
Higit na kaligayahang nararamdaman ni Angelika ngayong isang magpahamong papel ang gagawin nito sa teleseryeng Babangon Ako’t Dudurugin Kita kung saan gagampanan nito ang papel ni Via na mula sa angkan ng pinaka-mayaman at maimpluwensiyang pamilya na obsessed kay Alfred na gagampanan ni Marvin Agustin. Wala siyang hindi gagawin kahit bilhin pa ang pag-ibig nito sa kabila ng pagkakaroon nito ng asawa sa katauhan ni Salve.
“I love my character kahit kontrabida na ginampanan
Sa Pebrero pa magsisimula ang taping ng teleserye pero hindi naman nababakante si Angelika dahil kaliwa’t kanan naman ang TV guesting nito gaya ng SOP, Showbiz Central, Eat Bulaga, Kung Ako Ikaw at marami pang iba.
Kapag hindi abala sa mga showbiz commitment ay personal nitong inaasikaso ang kanyang negosyong STARZ Theater Bar & Restaurant sa Malabon kung saan puro malalaking singer ang nagtanghal na rito. Katunayan, ngayong Enero 19 (Sabado) ay si Pilita Corrales ang concert artist kasama ang special guests sa ganap na
- Latest