Isa pang Pinoy singer nadiskubre sa You Tube
Ngayong tapos na ang Christmas season, ang nalalapit na Valentine’s Day naman ang pinagkakaabalahan ng marami.
Sa loob ng ilang taon ay parating may Valentine offering ang GMA Films at Regal Films at hindi naiiba ang taong ito dahil may pelikulang tinatapos ngayon ang dalawang film outfit sa pinagsanib nilang puwersa na pinagtatambalan sa kauna-unahang pagkakataon nina Richard Gutierrez at GMA Films, ang BFGF na pinamamahalaan ni Mark Reyes.
* * *
Kung si Allan Pineda (na isang Kapampangan) ay isa na ngayong international star dahil sa kanyang pagkakabilang sa Black Eyed Peas na isang sikat na international Hip Hop and R&B group, isa ring Kapampangan na Pineda rin ang apelyido ang unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa international scene nang siya’y mapisil bilang pinakabagong lead vocalist ng legendary rock-ballad group na Journey na siyang pinagmulan ni Steve Perry.
Isang music fan at kaibigan ni Arnel at ng grupong Zoo ang nagpadala sa You Tube ng sample ng isa sa mga gigs ng grupo kung saan si Arnel ang lead vocalist. Sa YouTube nakita at napakinggan ng lead guitarist ng Journey na si Neal Schon si Arnel na siyang naging daan ng kanyang international audition sa Amerika hanggang sa siya ang mapiling pinakabagong lead-vocalist ng grupo.
Kulang man sa taas (height) si Arnel, animo’y isa siyang six-footer kapag siya’y nagtatanghal sa entablado sa taas, kakaiba at pagiging powerful ng kanyang boses at ito’y personal naming nasaksihan nang ito’y magtanghal sa Hard Rock Cafe as his farewell performance bilang lead vocalist ng Zoo (being managed by TV director Bert de Leon) at pagharap naman sa mas malaking hamon sa kanyang pagiging isang international artist bilang kabahagi na ngayon ng Journey na dati-rati’y tinitingala at hinahangaan lamang niya.
Nang mawala si Steve Perry sa Journey, nagkaroon ang group ng ilang kapalit. Sandali lamang namalagi bilang lead singer ng Journey si Jeff Scott at si Steve Augeri naman ay kumalas sa grupo nung taong 2006 dahil nagkaroon ito ng problema sa kanyang boses.
Magmula
Kung si Steve Perry ay na-discover habang siya’y nagtatrabaho bilang construction worker, si Augeri naman ay nagtatrabaho sa isang Gap store. Ngayon naman, isang Pinoy na lead vocalist ng Zoo ang na-diskubre sa pamamagitan ng internet.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang 40-year-old na si Arnel na nangyayari na ito sa kanya at sa mga susunod na mga araw ay magiging abala na siya sa recording ng bagong album ng Journey at tour nito sa Amerika, Europe at maging sa Asya.
Sa totoo lang, isa kami sa natutuwa at proud para kay Arnel dahil isa na namang Filipino talent ang pinagbuksan ng magandang suwerte sa international music scene.
* * *
- Latest