Jinggoy gagawa ng bill para ‘mabawi’ ang MMFF sa MMDA
Talaga sigurong hindi nagustuhan ni Sen. Jinggoy Estrada ang walang kalatuy-latoy na pagwawakas ng MMFF ’08, kahit siya pa ang tinanghal na best actor para sa pelikula niyang Katas ng Saudi na naka-tie ng Sakal, Sakali, Saklolo para sa Gatpuno Award, dahil nasabi niya sa mga dumalong press sa kanyang thanksgiving dinner na gagawa siya ng isang bill para maibalik ang pamamahala ng taunang Pista ng Pelikula sa mga taga-industriya.
“Hindi ito magiging madali at talagang madugo pero, gagawin ko. Handa rin akong humarap kay PGMA, kung kinakailangan, at sigurado namang makakasama ko sina Sen. Lito Lapid at Sen. Bong Revilla,” aniya.
Samantala, sinabi ng senador na wala pa siyang naiisip na kasunod na pelikula pagkatapos ng Katas ng Saudi.
“Gusto ko isang original story din. Ayaw ko ng remake, dahil hindi na rin ito gusto ng mga tao,” dagdag pa ni Jinggoy, na payag lumabas sa pelikula sa comeback movie ng kanyang ama kasama si Aiai delas
“Pero, nabasa ko ayaw akong maging anak ni AiAi,” sabi niyang nakatawa.
* * *
Nasa bansa sa kasalukuyan si Tito Mina, nagpasikat ng mga awiting Got To Let You Know at Both In Love nung late 80’s at naninirahan na sa
Bukas ay magkakaroon siya ng concert sa Metro Phi Bar, Metrowalk,
* * *
Muling mabubuo ang mga Zaido, ipagtatapat ni Alvaro (Raymart Santiago) kay Helen (Lorna Tolentino) na si Ramiro ang nagpapatay sa ama niya at sa kanya.
Pagtatangkaang patayin ni Alvaro si Ramiro ngunit ililigtas ito ni amasonang Lila pero, ihaharap siya nito kina Ida (Paolo Ballesteros) at Le-ar.
Habang magkasama sina Ariana at Gallian (DennisTrillo) ay naiisip nito si Carmela (Diana Zubiri). Magtatagpo rin sila Carmela at Alvaro at hindi nito mapipigilang umiyak, dadamayan siya ni Alvaro.
Muling magluluwa ng cocoon si Lear at ito ay si Roko Loko, at pabababain ito ni Ida sa planetang earth.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest