^

PSN Showbiz

Angel in love sa gitara

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

May kalandian din pala ang sikat na aktres na ito. Naghiwalay na sila ng dating boyfriend na aktor pero nagkabalikan din. Magaling ito sa romansa at siya pa ang pasimuno para ma-turn on ang aktor.

Kuwento ng aking source, hindi lang sa labi hinahalikan ang nobyo kundi gayundin sa batok nito. Hindi ba parang binaligtad dahil ang bf dapat ang humahalik sa batok ng aktres? Pero yun ang napagtitripan nito kaya naman bigay na bigay kapag nakipagromansa ang aktor sa nobyang aktres ayon sa source.

Hindi nawawalan ng proyekto ang sikat na aktres sa isang giant network at kontrobersyal din ang lovelife.

* * *

May bagong pag-ibig ngayon si Angel Locsin. Ito’y ang pagtugtog ng electric guitar. Interesado itong matuto kaya nagsi-self-study. Napadaan lang sila ng kanyang Ate Ela noong nakaraang Kapaskuhan sa isang Yamaha store at bumaba agad ito para bilhin ang electric guitar. Nang malaman ito ng kanyang daddy ay binili naman siya ng libro para sa pag-aaral ng acoustic chord.

Madali namang matuto si Angel dahil interesado siyang tumugtog ng electric guitar.

Excited na ang aktres dahil malapit nang i-ere ang pinakamalaking fantaserye ng ABS-CBN titled Lobo.

* * *

May hate campaign nga ba ngayon si Ding­dong Dantes? Hindi naimbita ang ibang kapa­tid sa hanapbuhay noong magbigay ito ng Christ­mas party para sa press kung saan napakabongga ng ginawang pa-raffle.

Kinukuwestyon nila kung saan nanggaling ang malalaking papremyo. Tanong tuloy ng iba ay kung may rich benefactor ba ito na siyang nag-sponsor ng malalaking papremyo.

Ayon naman kay Dingdong, hindi totoo ang mga iniintriga sa kanya dahil naging maganda naman ang 2007 sa kanya kung saan rumatsada nang husto ang kanyang career dahil sa Marimar.

Wish nito na sana ay lalo pang bumongga ang career niya para maging doble o triple ang isi-share niyang blessings.

* * *

Bukas ay magbabalik sa pagkamusmos ang pa­bo­rito ninyong Kapuso comedians sa kakaiba at riot na edisyon ng pa-sis-taran bata-bataan edis­yon ng Sis.

Guests sina Tuesday Vargas, Rufa Mi, Charisse Solomon, Jan Manual, John Feir at Smokey Manaloto.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ATE ELA

CHARISSE SOLOMON

JAN MANUAL

JOHN FEIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with