^

PSN Showbiz

Nagpakilala sa totoong Crystal Voice of Asia

- Veronica R. Samio -

Jennylyn Mercado’s loss is Nadine Samonte’s gain. Dahilan sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado, bigla silang inalis ni Patrick Garcia sa bagong teleserye ng GMA 7 na pinamagatang Maging Akin Ka Lamang. Pinalitan sila nina Nadine Samonte at Polo Ravales na agad isinabak sa isang matinding kissing scene sa unang araw ng kanilang taping.

It seems isa na namang miyembro ng unang batch ng StarStruck ang magiging isang malaking artista. Nadine joins Mark Herras, Cristine Reyes, Yasmien Kurdi  as one  of the most successful of GMA’s reality search with Batch 1 having produced the most number of stars, with Batch 3 closely following behind.

Isang malaking katanungan ang biglang lumitaw, ano na raw  kaya ang magiging tsansa ni Nadine na maging isang Dyesebel ngayong may bago na siyang teleserye?

* * *

May bagong album ang tinguriang Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos. Ito ang Dahil Mahal Kita na ipinamamahagi ng Sony BMG at titulo ng isa sa mga awitin sa album na isang komposisyon ni Rachel Anka.    

May tatlong komposisyon si Marri sa loob,  You’re There For  Me, Hold On To Your Dreams at Ikaw Ang Hanap Kong Pag-ibig.

May mga kontribusyon din sa album na nagtataglay ng ilang revivals (Making Love, Imagine, Out Here On My Own) si Raffy Amaranto, ang vocal coach ni Kyla at nagturo sa kanya (Kyla) ng tamang pagkanta ng Lupang Hinirang na inawit niya sa laban ni Manny Pacquiao.

Bilang pagsalubong sa Year of the Rat, kasama rin sa album ang Huling Sampaguita sa Tag-araw, theme song ng stage play na Ikabod.

 In the absence of a formal launch, magkakaroon ng isang concert si Marri sa unang linggo ng Pebrero.

Napili rin siya para kumanta ng theme song ng Global Filipino Nation International Conference na magaganap dito sa Mayo 8.

Samantala, nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala sina Marri at si Sheryn Regis na tinatawag din ng Star Records na Crystal Voice of Asia, gayong nauna nang nabigyan ng karapatan si Marri sa nasabing titulo, sa anibersaryo ng Yes Magazine. Si Sheryn ang lumapit kay Marri at nagpakilala, obviously not knowing na ito ang kalaban niya sa titulong Crystal Voice of Asia.

* * *

 Maraming mga bata ang siguradong malulungkot kapag natapos ang Zaido. Nasanay na kasi silang makitang nakikipaglaban gabi-gabi ang mga uniformed heroes sa mga masasamang elemento sa mundo. Yung three year old apo ko ay tinatawag ang sarili niyang Purple Zaido at kabisado ang mga Zaido pati na si Amy (Kris Bernal). Paborito niya si Blue Zaido (Dennis Trillo).

Hindi pa rin matanggap ni Red Zaido (AljurAbrenica) na isa siyang Kuuma kaya hindi niya magampanan ang kanyang tungkulin bilang isang Pulis Pangkalawakan. Pero naiintindihan siya ng kanyang mga kasamahan, maging ang kanyang karibal sa pag-ibig na si Green Zaido (Marky Cielo).

Higit na kapana-panabik at maaksyon ang mga susunod na kabanata ng Zaido.

* * *

Mayro’n na naman  akong obserbasyon sa katatapos na MMFF ’07 Awards Night. Hindi na naman pinili ang mga karapat- dapat at sa halip ay ginusto na lamang pasayahin ang lahat dahil hinati-hati na lamang ang awards at idinistribute sa lahat.

Paano nila nagawang iitsapwera ang Katas ng Saudi bilang isa sa pinakamagaling na pelikula ng MMFF?

Nanalong best director si Cesar Apolinario pero, hindi ang kanyang Banal. Ano yun? At yung mga best pictures, di ba magagaling ang mga direktor ng mga yun na sina Mark Reyes, Tony Reyes at Jose Javier Reyes?

It’s understandable na nagagalit yung mga natatalo sa mga ganitong awards night at kahit sabihing magaganda at magagaling lahat ng entries, meron pa ring pinaka-magaling at ito/sila ang dapat na mabigyan ng parangal. Pero yung bigyan mo lahat ng awards, para lamang mapasaya ang lahat, lumilihis na tayo sa ating tungkulin bilang mga jurors, ang  pumili ng pinakamagagaling.

* * *

[email protected]

CENTER

MARRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with