^

PSN Showbiz

Hindi pera ang habol

- Veronica R. Samio -

Marami ang nagsasabi na napakaliit ng halagang P15 M na hinihingi ng GMA sakaling mapatunayan nila na may pagkakasala ang ABS -CBN sa kasong libelo na isinampa nila kasama na ang ilang ehekutibo at  talent nito nung Huwebes ng umaga. Ang kaso ay nag-ugat sa diumano’y malisyoso at maling mga balita at komentaryo ng istasyon at mga kasama na may kinalaman sa diumano’y pagmamanipula ng ratings sa Bacolod.

Ayon sa GMA Network, hindi pera ang habol nila, ang pinoprotektahan nila ay ang reputasyon ng network na anumang tagumpay ang tinatamasa ngayon ay bunga ng masusing pag-aaral, paghahanda at mga magastos na promosyon para maabot nila ang lahat ng manonood.

 “Apat na taon na kaming namamayani sa ratings, walang dahilan para kami mandaya,” anang isa sa mga executives ng GMA na humarap sa media nung araw na magsampa ito ng demanda laban sa ABS CBN.

* * *

Hindi na talaga maabot ang kaibigang Jim Austria. Bukod sa pagmeme-ari ng Psalmstre Ent., ang kumpanyang gumagawa ng mga produktong New Placenta, ini-endorso ni Melanie Marquez, Olive C Papaya, Anti Pimple at Milk Soaps na ini-endorso naman ni Lovi Poe, Vita Ginseng at Livermin, isa na rin siyang TV host. Isa siya sa mga segment hosts ng programang Buhay Pinoy, isang tele-magazine, na ang mga princial hosts ay ang maghipag na  Jaimie at Patty Santos.

Host si G. Austria ng segment na Usapang H&B (Health & Beauty). Mag-i-interview siya ng mga doktor, skin specialists, mga businesswomen na ang negosyo ay tungkol sa pagpapaganda. Assigned din sa kanya ang feature sa mga celebrities at ang top secrets nila sa pagpapaganda.

Dating napapanood sa RPN 9 ang Buhay Pinoy pero, simula sa Lunes, Enero 7, mapapanood na ito sa ABC 5, 9-10 NU. Tatlong magkakasunod na taon nang tumatanggap ng Anak TV Seal Award ang programa bilang most child friendly show kaya walang pagsidlan ng kanyang katuwaan si Jo Salcedo, executive producer ng programa na may walong taon na rin sa ere.

Isa pa rin sa mga segment hosts ng show ay ang konsehal ng Quezon City na si Dante de Guzman na humaha­wak ng Buhay Barangay.

* * *

Nakatutuwa naman at kapuri-puri para sa akin ang pagnanais ni Patrick Garcia na mapakasalan si Jennylyn Mercado na inamin niyang may anim na linggo nang buntis.

Bagaman at sa kasalan din pala gusto niyang mauwi ang kani­lang relasyon ng aktres sana ay nagpakasal na muna sila, tutal naman ayaw niyang magka­roon ng anak out of wedlock.

 Mabuti na lamang at hindi sila ikinasal ng huwes na pinuntahan nila at pinayuhan sila na isipin munang mabuti ang kanilang gagawin dahil ang pagpapakasal ay isang permanenteng bagay.

Oo nga naman, kesa naman mauwi lang sila sa paghihiwalay o kaya pagpapa-annul na inuso na ng maraming nagkamali sa paghahanap nila ng ka-partner sa habang buhay.

Kaya lang diskaril muna ang career nila pareho. Si Patrick, kahit nasa edad na ay inaakala pa rin ng marami na isa pa ring bagets at ayaw ng fans ng idolong may sabit na. Ganundin si Jennylyn. Now they will have to find other means to support themselves and their coming child. Mabuti naman at balita ko ay pareho silang masinop, nakapag-ipon na, hindi sila mahihirapan, financially.

* * *

E-mail:  [email protected]

ANTI PIMPLE

BUHAY BARANGAY

BUHAY PINOY

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with