^

PSN Showbiz

Nanay ni Rufa Mae Quinto tiklo sa drug buy-bust operation

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Siyempre, natuwa ako sa mga pahayag ni Mayor Alfredo Lim tungkol sa libel case na isinam­pa laban sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Type ni Papa Fred Lim na pagkasunduin ka­ming tatlo at na-appreciate ko ang kanyang mga sinabi.

In fairness, ilang beses na kaming nagkita ni  Papa Fred mula nang mangyari noong 1994 ang Manila Filmfest scam.

Nagalit si Papa Fred sa gina­wa ko pero hindi siya nagalit sa akin as in hindi siya namersonal.

Nadawit ang name ni Papa Fred sa demanda sa akin nina Sam at Piolo dahil naka-file ang kaso sa  Maynila at binigyan ito ng malisya ng mga intrigera.

Sinadya raw na i-file sa Maynila ang kaso para sigura­dong makulong na ako porke si Papa Fred ang kasalukuyang mayor.

Hindi ako nagpaapekto sa mga intriga dahil  wala sa karak­ter ni Papa Fred ang makisawsaw sa mga showbiz issue. Para siyang si Senator Manny Villar na tinanong ng mga reporter kung ano ang suporta na ibibigay niya sa akin dahil friends kami.

Dahil gentleman si Papa Manny, sinagot niya ang tanong. Ang ending? Pinagbintangan siya na nakikisawsaw sa isyu.

Ganyan din ang nangyari kay Papa Fred. Sinagot lang niya ang katanungan ng mga reporter pero wala siyang intensyon na makigulo sa showbiz issue namin nina  Sam at Piolo.

Gusto kong mag-thank you kay Papa Fred dahil sa kind words na binitiwan niya na patungkol sa akin, Thank you Papa Fred!

* * *

Knows ko na ang mga identity ng showbiz couple na nagkakatampuhan dahil umiral uli ang pagiging selosa ng aktres na misis.

Pero hindi ko ire-reveal ang kanilang mga name. Hahayaan ko na ang ibang reporter ang magbulgar ng mga katauhan nila.

Basta ang alam ko, hindi nawalan ng babae na pinagseselosan si misis at nangyayari ito, every Christmas.

Tandang-tanda ko ang malaking tampuhan ng mag-dyowa, ilang Christmas na ang nakararaan dahil pinagselosan ni misis ang aktres na nakasama sa pelikula ng kanyang mister.

May happy ending ang selosan portion ng mag-asawa dahil na-realize ni misis na mali ang kanyang mga bintang at nag-apologize pa siya sa aktres na inaway-away niya noon.

* * *

Naniniwala ako na hit sa takilya ang Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema.

Ilang kakilala na ang nakausap ko at nagkuwento sa akin na hindi pa nila na­pa­panood ang SSS dahil sold-out ang tickets.

Nagtiyaga sila na panoorin ang isang filmfest movie na  hindi masyadong pinilihan at hindi raw nagkamali ang kanilang desisyon dahil maganda ang pelikula na pinanood nila.

Hindi ko na sasabihin ang pamagat ng Tagalog movie na tinutukoy nila pero sure ako na hindi ‘yon Katas ng  Saudi na highly-recommended ko sa lahat.

Napanood ko na ang pelikula nina Lorna Tolentino at Senator Jinggoy Estrada. Pihikan ako sa panonood ng mga pelikulang Tagalog pero pupusta ako na ma-e-enjoy kayo sa Katas ng Saudi.

Handa ako na matawag na sinungaling kung hindi ninyo magugustuhan ang pelikula na bonggang-bongga talaga ang kuwento at ang mga acting ng mga artista.

Matatawa at maiiyak kayo sa mga eksena na Pinoy na Pinoy. Imposibleng hindi kayo maka-relate!

* * *

Ewan ko lang kung magsasalita si Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central sa darating na Linggo tungkol sa  kanyang ina na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy- bust operation.

Parang kailan lang nang maging suspect din ang nanay ni Rufa Mae sa  mga gamit nito na ninakaw sa sariling pamamahay.

Nalulungkot ako kapag nakakarinig ng mga ganyang klase ng balita. Imbes na maging masaya sa success ng kanyang anak, kung anik-anik na problema ang pinapasok ng madir ni Rufa Mae. 

AKO

DAHIL

PAPA

PAPA FRED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with