^

PSN Showbiz

Cafe Mina bagong negosyo ni Ara

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi na ako nagtaka nang operan sa kabila si Ara Mina. Bukod kasi sa maganda na, may talino rin. At established na ang pangalan. Hindi na sila mahihirapang pasikatin dahil sikat na ito.

Agad binigyan nila ito ng isang major role, lead kahit sabihin pang kontrabida ang role nito sa isang serye na pinagbibidahan ni Kristine Hermosa.

Dati ring taga-GMA - si Angelika dela Cruz ang papalitan ni Ara sa nasabing teleserye.

Wala namang nilalabag na regulasyon sa GMA si Ara. Puwede talaga siyang lumabas sa ibang istasyon dahil iisa lamang ang regular show niya sa Syete. Regulasyon ito sa lahat ng GMA artists. Besides ang kontrata niya sa kabila ay para sa isang serye lamang. Wish ko lamang na mabigyan siya ng panibagong show sa GMA para hindi na siya nag-oober the bakod.

Bagaman at nakatakda na niyang isara ang restaurant niya na Osteria dahil masyado na siyang natataasan sa binabayaran niyang renta ngayon, may bubuksan siyang bagong kainan sa Riverbanks, ito ang Café Mina. Wala siyang mga kasosyo rito, solo lang niya ang restaurant.

* * *

Nakatutuwa naman itong si Manny Pacquiao. May dahilan naman palang magselos ang misis niyang si Jinky, biruin mo take nine ang kissing scene nila ni Ara Mina sa una niya production venture, ang Anak Ng Kumander na palabas sa January 1, 2008, bilang bahagi ng MMFF.

 Pero, wala naman palang dapat ipagselos si   misis, dahil kaya nagtagal ang pagkuha sa nasabing eksena ay hindi marunong ng cinematic kissing ang kampeon sa boksing. Kung si Manny ang masusunod ayaw niya ng mga kissing scenes sa pelikula niya.

* * *

Happy ako para kay Raymond Lauchengco. Unti-unti na siyang nakakabalik sa pagkanta. At maganda ang benta ng kanyang album na ginawa sa Viva. Marami ang naka-miss sa kanya kaya bulto-bulto kung bilhin nila ang album, hindi paisa-isa. Isang kaibigan niyang mag-aalahas ang umorder ng 100 copies at ipinamigay ito bilang Christms gift. Isa pa ring kaibigang doktor ang bumili ng 40 copies pang-giveaway din.

Para sa isang tao na dati ay itinuturing na istorbo ang pagkanta, isang pampalipas oras lamang, ngayon ay seryoso si Raymond sa kanyang craft. Excited siya sa paghahanda ng isa na namang panibagong album.

Welcome back, Raymond

ANAK NG KUMANDER

ARA MINA

KRISTINE HERMOSA

NIYA

RAYMOND

RAYMOND LAUCHENGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with