^

PSN Showbiz

Aktres/Pulitiko Idedemanda ng negosyante

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Dati ay masyadong pinaghihigpitan ng kanyang ina sa pag-inom ng malamig na tubig at pagkain ng chocolates ang isang magaling na singer-actress. Na dapat lang naman, dahil nakakasira ng boses ang pag-inom ng malamig, ayon sa mga singers ay hindi rin nakabubuti ang tsokolate.

Nakarating sa amin noon ang kuwento na nung minsang makalingat ang ina ng singer-actress ay sinamantala niya ang pagkakataon, para siyang nagutom nang ilang taon sa tsokolate, kaya ipinasarado niya ang pintuan ng kanyang dressing room at nagpista sa kakakain ng chocolates.

Kapag nasa ibang bansa raw sila ay inggit na inggit ang magaling na singer sa kanyang mga kasamahang singers, kumakain pa kasi ng ice-cream ang mga ito, samantalang siya ay bantay-sarado ng kanyang nanay.

May impormanteng nagbalita sa amin na nung minsang napuno na ang singer-actress ay kinausap niya nang masinsinan ang kanyang ina, naglabas siya ng saloobin, ayon sa aming source ay itinawid naman yun ng singer-actress sa marespetong paraan.

“Mabait kasi ang batang yun, masunurin siya sa kanyang mga magulang, kahit siya ang kumikita, hindi niya inilalagay yun sa utak niya. Pero siyempre, dumarating din naman ang bawat tao sa puntong punumpuno na siya, kaya kinausap niya ang mommy niya.

“Marespeto ang paraan niya ng pagsasalita, pero naramdaman ng mommy niya ang diin, kaya mula noon, pinapayagan na siyang kumain ng chocolates pero kontrolado nga lang,” kuwento ng aming source.

Ang karaniwang dahilan ng pagrerebelde ng mga kabataan ay ang sobrang paghihigpit ng kanilang mga magulang, siguro’y ayaw nang makita pa ng ina ng singer-actress ang nangyari sa ibang kasamahan ng kanyang anak, kaya nakipagkompromiso na ito.

“Ngayon, meron pa siyang baon-baon na chocolates sa dressing room at kapag may show siya sa malalayong probinsiya. Sa edad niya ngayon, e, alam na niya ang tama at mali, saka siya ang nagtatrabaho, kaya bakit naman siya masyadong hihigpitan sa mga bagay-bagay na hindi naman makasisira sa kanyang career?” sabi pa ng aming impormante.

Napakaganda ng boses ng dalagang ito, kumain man siya o hindi ng tsokolate ay kakaiba pa rin ang kanyang talento, kaya siya palaging kinaiinggitan ng kanyang mga kasabayan.

* * *

Namamangka ngayon sa dalawang ilog si Ara Mina, meron siyang show sa GMA 7 at ngayon ay mapapanood na rin siya sa teleseryeng Prinsesa ng Banyera, balita ring lilipat na sa Dos ang nakababata niyang kapatid na si Cristine Reyes.

Ayaw pang magsalita ni Ara tungkol dun, ang sarili niyang diskarte lang ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon, ayon sa aktres ay nagpaalam naman siya nang maayos sa Siete bago niya tinanggap ang alok ng Dos.

Sa pagkakaalam namin ay wala namang kontrata sa Siete si Ara, meron lang siyang programa sa network, pero hindi siya pumirma ng exclusive contract sa istasyon.

Sa mga panahong ito na kulang na kulang ang trabaho sa dami ng mga nag-aagawang artista, siguro naman ay hindi mamasamain ng Siete ang ginawa ni Ara, kung walang proyektong maibibigay sa kabila ay hindi krimen kung kumabilang-bakod man ang artista lalo na kung wala naman silang kontratang hindi irerespeto.

* * *

Tumawag sa amin ang isang negosyante, inirereklamo nito ang isang aktres-pulitiko na kumuha raw ng mga office supplies sa kanilang tahanan, pero ayaw namang magbayad.

Kapag tinatawagan daw nila ang personalidad ay puro mga tauhan lang niya ang sumasagot, ayaw raw makipag-usap sa kanila ng aktres-pulitiko, kaya plano na nilang magdemanda.

Sana’y tutukan agad ng aktres-pulitiko ang prblemang ito, hindi nagbibiro ang negosyante, kapag hindi pa rin niya kinausap ang mga ito ay kakasuhan na siya.

Hindi naman kalakihan ang halagang hinahabol ng negosyante, kayang-kayang bayaran yun ng aktres-pulitiko, ang tanong lang ay kung bakit ayaw niyang kausapin ang mga taong naniningil sa kanya.

KANYANG

NIYA

SIETE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with