Bagong bahay ni Paolo FOR SALE!
Ayaw sabihin ni Paolo Contis kung magkano aabutin ang magagastos niya sa pagpapatayo ng three-storey house. May kalakihan ang lote at bahay at kung matatapos sa schedule, middle of next year, puwede na niyang malipatan ang bahay.
Open si Paolo na ibenta ang bahay kung may bibili at sa presyo na gusto niya. Puwede naman daw siya magpagawa uli ng bahay, lalo’t matatagalan pa bago sila magpakasal ni Isabel Oli. Hindi rason sa kanya ang pagkakaroon ng bahay para magpakasal na sila, paano raw ang laman ng bahay at ang daily expenses nila?
Pero, sa sipag ni Paolo, agad niyang mapupuno ng gamit ang ipinapatayong bahay at ‘di sila mangangarag ni Isabel sa paghahanap nang panggastos sa araw-araw. Sa Metro Manila Film Festival nga lang, dalawa ang pelikula niya: Resiklo at Banal, kung saan sa huling pelikula’y, malakas daw ang laban niya sa best actor. (NM)
- Latest