Direk Joey sarili lang ang kalaban sa festival
Iisa pa lamang ang MMFF entry na napapanood ko, ang Katas ng Saudi na sinabi ko after na mapanood ko sa press preview ay napakalakas ng tsansa na maging Best Picture.
Paano kasi, Pinoy na Pinoy ang istorya, magandang naikuwento at na-execute ng direktor na si Joey Javier Reyes.
Kuwento rin niya ang Sakal Sakali Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Sequel ng matagumpay na Kasal Kasali Kasalo na magsisimula ang kuwento sa pagiging mag-asawa ng dalawa hanggang sa mabiyayaan sila ng anak.
Katulad ng Katas, komedi rin ang Sakal na magpapakita ng drama sa buhay ng newly married couple, ang mga problemang kakaharapin nila at maglalagay sa panganib sa relasyon nila.
Kasama ng dalawa sa pelikula sina Gina Pareño, Gloria Diaz, Ariel Ureta at marami pang iba.
* * *
Ngayong Biyernes, December 21, muling ipapamalas ni Dolphy ang kanyang galing sa pag-arte sa drama sa number one drama anthology sa bansa, ang MMK!
“Magaling si Mang Dolphy, isa siyang tunay na henyo!” sabi ni Direk Jeffrey Jeturian, an award-winner himself.
“Mabigat ang role na iniatang sa kanya ng MMK at nakakatuwa na talaga namang ipinakita niyang isa siyang tunay na alagad ng sining.”
Makakasama ni Dolphy sa unang pagkakataon ang magaling na child star na si Makisig Morales!
“Wow! Sobrang happy talaga ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ang King of Comedy! Suwerte ko po talaga kasi bata pa lang po ako makakatrabaho ko na po si Mang Dolphy.
“Isang malaking karangalan sa akin ang maging bahagi ng produksyon ng MMK at makapag-alay ng Paskong regalo sa inyong lahat,” pagtatapos ni Mang Dolphy.
* * *
Sumugod na ang mga Amasona sa palengke ng Tala. Pinagkaguluhan naman ng mga tao ang mga magagandang babaeng ito (Arci Muñoz, puti; Iwa Moto, itim; Vanessa del Moral, kahel; Melissa Avelino, rosas). Sasaktan nila ang mga tao gamit ang kanilang mga sandata at pambihirang lakas. Tatapusin naman nila ang mga kalalakihan gamit ang gintong alikabok mula sa kanilang mga daliri.
Sasaklolo ang Zaido Squad ngunit gagamitin sa kanila ng mga Amasona ang gintong alikabok kaya malalagay sila sa panganib. Mabuti na lang at nasa paligid lang si Amy (Kris Bernal) at mapapansin niyang lalaki lang ang tinatablan ng gintong alikabok. Lalabanan niya ang mga Amasona. Makakabangon nang muli ang mga Zaido. Mapapatumba nila ang mga Amasona at mapapaatras sa laban ang mga Kuuma.
Sa mungkahi na rin (Ian de Leon) ang batas ay ginawa nang ganap na Pulis Pangkalawakan si Amy.
* * *
Nakatutuwang ang 10 taong gulang na si Ciandi Gamalong ay bossa nova at jazz ang gustong kantahin. Siya ay produkto ng mga talent searches, nakakanta na sa concert ni Pops Fernandez at sa mga events ni QC Mayor Sonny Belmonte. Kasalukuyang finalist siya sa RJTV.
Nakatakdang mag-road tour si Ciandi sa
Suportado si Ciandi ng rock-acapella group na Old School na binubuo nina Carl Virtudazo, Princess Rivera Virtudazo, Jonjie Rivera, Mikko Rivera, Ivy Aguila Maniquiz at Allen Miraflor.
* * *
- Latest