Rights ng Darna ‘di nabili ng ABS-CBN
SEEN: Ang Shangri-la Mall ang isa sa mga paboritong shopping place ng mga artista. Nakita ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) sa Rustan’s si Jolina Magdangal noong Huwebes. Ang tatlong anak ang kasama ni Ai-Ai delas Alas nang mag-shopping ito sa Shangri-la Mall noong Linggo. Nanay na nanay si AiAi habang ipinamimili ng mga damit at personal na gamit ang kanyang mga anak.
SCENE: Ginagawa ni Ethel Booba ang lahat para mapansin siya ni Will DeVaughn. Desperada na si Ethel na makuha ang atensyon at eventually, magkaroon sila ng relasyon ni Will. Naiilang na si Will sa super-extra attention na ibinibigay sa kanya ni Ethel. Masahol pa sa bakla ang mga ginagawa ni Ethel na bumalik sa PBB House dahil sa kanyang misyon na maging boyfriend si Will.
SEEN: Special guest si Manny Pacquiao sa Christmas party ng mga empleyado ng GMA 7 sa Amoranto Stadium sa
SCENE: Ang balita na balak ng ABS-CBN na bilhin ang exclusive rights ng Darna para ibigay ito kay Angel Locsin ang diumano’y dahilan kaya muling binili ng GMA 7 ang karapatan na gawin nila sa TV ang kuwento ng sikat na Pinoy hero.
May tsismis din na si Marian ang gaganap na Darna. Kung si Marian ang next Darna sa TV, bakit may botohan na nangyayari sa bakuran ng GMA 7 para sa aktres na gustong gumanap na Darna ng mga empleyado ng Kapuso network?
Ang pangalan din ni Marian ang lumilitaw kapag napag-uusapan ang aktres na diumano’y gaganap sa TV bilang Dyesebel at Rosalinda, ang Latino novela na tinampukan
Bukas ang pahina ng Seen/Scene para sa panig ng GMA 7 management.
SCENE: Galit si Nadia Montenegro nang sabihin nito na tukoy na niya ang ‘kaibigan’ na nagkalat ng tsismis sa maling tsismis na siya ang third party sa nagkakalabuan na relasyon nina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens.
Si Ara Mina ang pinagbibintangan na nagkalat ng balita. Nagbago ang tono ng boses ni Nadia nang ipagtanggol ni Rochelle si Ara. Mahabang oras ang iniukol ng Startalk tungkol sa isyu ngunit naaksaya ang kanilang panahon. Hindi interesado ang mga tao sa mga eskandalo ng mga artista na matagal nang hindi aktibo sa showbiz at hindi naging big stars noong kapanahunan nila.
Walang pakialam ang publiko sa mga pagsubok na nagaganap sa pagsasama ng mag-asawang Jimwell at Rochelle. ’Yan ang malungkot na katotohanan. Mas makabubuti na ayusin nila ang problema nang sila-sila na lang. Huwag nang i-broadcast sa TV ang kanilang mga personal na problema.
SEEN: Kakaiba ang magkasamang guesting nina Mon Confiado at Ynez Veneracion sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central noong Linggo.
Saan kayo nakakita ng boyfriend na tuwang-tuwang nakikipagsayaw kay John Lapus kapag lie ang resulta ng lie-detector machine sa mga sagot ng kanyang girlfriend? Nagiging katawa-tawa ang mga artista dahil na rin sa mga ginagawa nila. Sila ang may kasalanan kung trying-hard actors pa rin ang tingin sa kanila ng mga tao. Sila ang dapat sisihin kung hindi nila ma-earn ang respect ng publiko.
- Latest