^

PSN Showbiz

Belinda Bright isasama na sa Hot Babes

- Veronica R. Samio -

Makaraang mawala sa eksena ng pelikula ng tatlong taon nang hindi siya napagbintangang nag-asawa o nagbuntis kaya, muli ay nagbabalik sa trabahong kanyang iniwan si Belinda Bright.

“Wala lang magandang offer kaya parang naging frozen delight ako pero, andito lang ako, tumutulong  sa aming family business, exporting Filipino foods sa Guam, Saipan, Micronesia.

“Nagtayo rin ako ng boutique sa Parañaque pero hindi ito naging successful.

“Madalas din akong mag-show, nakasama ako sa Showgirls, with some of the country’s sexiest actresses.

“Matagal din akong nawala pero, di ko hinanap ang trabaho ko, parang nakontento ako sa paminsan-minsang pagsu-show at pagne-negosyo,” kuwento ng dating pambatong sexy star ng World Arts Cinema na matapos gumawa ng pelikula rito at gumawa ng isang sexy calendar ay tuluyan nang nawala.

Wala na siya sa World Arts Cinema, nasa Viva na siya sa pangangalaga ni Veronique del Rosario.

“Hindi ko pa alam ang talagang plano nila sa akin. Pinag-aaralan pa nila kung saan ako isasabak o kung papalitan nila ang name ko.

“Hindi ko rin alam kung gagawin akong Viva Hot Babe. If ever, kung palaban sila, palaban din ako pero mahihirapan siguro ako kapag isinama ako sa kanila

“Kung ako ang tatanungin, gusto ko namang su­bukan ang mag-kontrabida, yung glamorosang kon­trabida. Pero sila naman ang masusunod. Basta ako, ipinagkatiwala ko sa kanila ng limang taon ang pagma-manage ng aking career,” dagdag pa niya.

* * *

At the rate I’m winning sa mga Christmas party na pinupuntahan ko, baka mapuno ko na ang bahay na lilipatan ko ng kasangkapan. I’ve won three washing machines, (gave my two sons one each), two microwave ovens, 1 rice cooker, 1 refrigerator, 1 TV with flat screen, 1 electric oven with rotisserie, 1 sack of rice & cash money.

Thank yoyu nga pala sa mga nag-imbita sa akin sa Christmas party nila - ABS CBN, GMA 7, Ding­dong Dantes, RegalEntertainment, PMPC.

I’m looking forward sa X-mas party for the press nina Bong Revilla at Gutierrez family. Bongga rin magpa-party ang dalawang ito. Sana mga furniture naman ang ipa-raffle nila.

* * *

Thank din sa mga taong tumawag at nag-alok mag­bigay ng abogado para sa kasong libelo na kina­sasangkutan ko.

Nakasama ako sa demanda nina Piolo Pascual at Sam Milby kay Lolit Solis. Gaya nina Ethel Ramos at Mother Ricky Reyes. At sa maraming kaibigan na nag-text, tumawag, nag-email, nagbigay ng encouraging words dahil first time kong ma-libel at worried sila para sa akin, maraming salamat po.

* * *

Lumibot ng Brgy. Don Manuel sa Kyusi ang seven contenders sa  Philippines Hair Diva Search 2007 para humanap ng mga mapagaganda nila. Sa halip na pera mga donasyong laruan, damit at pagkain para sa mga pasyente ng The Childhouse na siyang benipisyaryo ng show ng QTV 11, Linggo,10-11 NU ang hiningi nilang bayad.

Bantay sarado ang pito nina Mother Ricky Reyes at ni Phillip Lazaro.

Habang nalalapit ang pagtatapos ng kontes ay lalong nahaharap sa mahigpit na pagsubok ang pito hanggang isa na lamang ang matira sa kanila.

vuukle comment

AKO

CITY

MOTHER RICKY REYES

PLACE

WORLD ARTS CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with