Dahil sa on-line casino, aktor baon na sa utang
Pumunta ako sa presscon ni Senator Bong Revilla para sa Resiklo noong Miyerkules nang gabi sa Osteria.
Naglambing ako kay Bong na mag-give ito ng raffle prize para sa Christmas party ng Startalk staff at hindi naman siya nagdamot.
Teka, magbigay rin kaya si Edu Manzano ng raffle prize para sa Christmas party namin kung haharbatan ko siya?
Welcome na welcome sa akin ang anumang ipadadala ni Edu, huwag lang ang mga pirated DVD na na-confiscate ng OMB. Joke lang ‘no!
* * *
Hindi ako magugulat kung maging number one sa Metro Manila Film Festival ang Resiklo dahil nakakatulala ang teaser nito.
Parang
Milyon-milyong datung ang ginastos ng Imus Productions para mabuo ang Resiklo. Ito na raw ang pinakamahal at ambisyosong project ng magkakapatid na Revilla.
Na-miss ko sa presscon ng Resiklo si Andeng Ynares. Si Andeng ang punong-abala sa mga presscon ng pelikula ng Imus Productions pero missing in action siya dahil kapapanganak lamang niya sa panganay nila ni Rizal Governor Junjun Ynares.
* * *
How true na umabot na raw sa P200,000 ang utang ng isang aktor sa kanyang friend dahil hindi siya nananalo sa on-line gaming casino.
Malaking pera ang P200K kaya ako ang nanghihinayang sa datung na ipinatalo ng aktor, ‘yon eh kung true na gumon siya sa sugal.
Dapat maalarma ang girlfriend ng aktor. Paano na ang kanilang future together kung lulong sa sugal ang kanyang future dyowa?
Marami na ang nakakaalam tungkol sa bisyo ng aktor na siguradong ide-deny ang balitang nega dahil hindi ito makakatulong sa kanyang career.
* * *
Birthday kahapon ni Amy Austria at hindi ko nakalimutan na birthday niya kahapon.
Past forty na ang edad ni Amy pero marami ang naloloka kapag nakikita siya dahil hindi tumatanda ang kanyang itsura.
Ano ba raw ang beauty secret ni Esmeng? Natagpuan na ba raw niya ang fountain of youth?
Sa true lang, walang beauty secret si Esmeng. Positive thinker siya at dasal nang dasal kaya maganda ang aura niya.
Mukhang suplada si Esmeng pero napakabait niya at broad-minded. Kita n’yo naman, never siyang nasangkot sa mga eskandalo dahil Miss Friendship siya sa tunay na buhay! Happy birthday again Esmeng!
* * *
Kagabi ang press preview ng Katas ng Saudi at pinuntahan ko rin ito.
Maganda ang pelikula kaya hindi na ako nag-wonder sa A rating na ibinigay ng CEB sa pelikula nina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.
Si Joey Reyes ang sumulat ng script at director ng Katas ng Saudi. Masuwerte sa takilya ang mga pelikula ni Joey na kasali sa Metro Manila Film Festival.
Hindi ako magugulat kung maging blockbuster ang Katas ng Saudi na isang pelikula na pang-everbody.
Matutuwa si Papa Erap kapag napanood nito ang pelikula ni Jinggoy. Sure ako na mare-realize niya na tama ang desisyon ng kanyang anak na mag-produce uli ng pelikula.
Kinontra
- Latest