^

PSN Showbiz

Korean produ interesado kay Marian

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Ayon sa aking source, interesado ang isang  Korean producer para kunin ang serbisyo ni Marian Rivera para lumabas sa isang international movie na may working title na Alice in Wonderland. Balitang nakikipag-usap na rin ang naturang produ sa GMA 7.

Isa ring Indian produ ang interesado pero ire-release din sa ibang bansa. Ang location na napili ay ang Subic, Zambales.

Malaki talaga ang naitulong ng Marimar sa career ng magandang aktres para rumatsada nang husto ang career niya.

Natutuwa naman si Marian dahil nakapagtala ang kanyang teleserye ng record-breaking na 49.5% overnight rating at consistent sa rating na 40+% batay sa AGB Nielsen Mega Manila Households data na pagpapatunay lang na ang Marimar ang number one TV shows sa bansa.

How true na noong Thanksgiving Party ng Marimar ay nagdedmahan sina Marian at ang kontrabida nitong si Angelika (Katrina Halili) kung saan parang hindi nila nakita ang isa’t isa. Buong ningning pa nilang sinasabi na hindi sila close sa isa’t-isa.  Hindi kaya si Marian ang pinarurunggitan ni Katrina na friendly naman siya pero ayaw niya sa taong ‘plastic.’

* * *

Wala mang teleserye ngayon si Angel Locsin ay hindi naman siya nami-miss ng kanyang mga fans dahil sa dami ng endorsement nito sa telebisyon. Masaya nga ang Kapaskuhan nito at feeling niya, araw-araw ay Pasko dahil laging puno ng bata ang kanilang mansyon. Karamihan ay mga pamangkin niya. Mahilig kasi sa bata ang magandang aktres.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping nito ng Lobo.

* * *

Very vocal sa pagsasabi si Engr. Uno Lim (konsehal ng 2nd district ng Maynila) na hanggang ngayon ay di pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Ara Mina. Nakahanda itong pakasalan ang aktres basta’t pumayag lang siya.

Matagal na niyang crush si Ara at wala pa rin itong commitment sa ngayon.

* * *

Hindi magandang gamiting promosyon ng Anak ng Kumander ang pagbabanta  ni Jinky Pacquiao sa pamamagitan ng text message na pinadala daw nito kay Valerie Concepcion. Dahil lang sa kissing scenes nina Manny at ng aktres na nakita lang sa TV ay binantaan na siya ni Jinky. Ginagamit ang asawa ni Manny pero sa negatibong pamamaraan at di ito maganda sa kanilang pamilya.

Napakababaw nito at di kami naniniwala na ganun kaselosa ang asawa ni Manny.

Napakababaw nito at ‘di kami naniniwala na ganun kaselosa ang asawa ni Manny. Dalawang pelikula ang na-handle namin sa boxing champ bilang publicist at kahit may kissing scenes ito nun sa mga nagiging leading ladies ay di ganun kaselosa si Jinky. Ngayon pa ba na marami na silang anak ay saka pa magiging insecure ang misis ni Pacman?                           

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

JINKY

JINKY PACQUIAO

MARIMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with