^

PSN Showbiz

‘Kapamilya’ shocked,  kasal ni Vandolph ibinenta ni Alma sa GMA

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Medyo may kaberdehan ang kuwento, pero sumusumpa ang aming source na totoong-totoo, tungkol ito sa isang aktor na kung makaporma ay akala mo hulog siya ng langit sa lupa para pagpistahan at pag-agawan ng mga kababaihan at kabadingan.

Sabi ng aming impormante, “Puro porma lang naman ang alam nun, pero wala naman siyang maipagmamalaki.  My friend should know, matagal niyang naka-chuva tienes ang lalaking yun!” simula nito.

“Naku, huwag na tayong magpaka-naive pa, huwag na tayong magtanga-tangahan pa!  Hindi siya gifted child, isa siyang duty free!” sabi nito.

Mapapatunayan daw yun ng kanyang kaibigan na matagal na nakarelasyon ng aktor, “Kung gaano siya ka-tiny, ganun din siya ka-tiny bubbles, believe me!

“Pero magaling daw naman sa ibang paraan ang lolo n’yo, kung duty free man siya, magaling siya sa foreplay, dun na lang niya dinadaan ang hindi niya pagi­ging gifted!” sabi uli ng aming source.

Kunsabagay, nung minsang magka­lokahan sa isang party ang mga artis­tang babae ay merong isa sa kanila na nagsabing hindi nga gifted ang aktor, buong-ningning talagang sinabi ng aktres na duty free ang aktor.

“Kahit tanungin n’yo ang mga girlash na nag-aaway ngayon nang dahil sa kanya, sila mismo ang mag­sasabi sa inyo na true ang kuwento ng friend ko na matagal niyang nakare­las­yon!”  paghahamon pa ng aming source.

Ganun?

* * *

Gaganapin ang kasal  nina Vandolph Quizon at Jenny Salimao ngayong darating na Lunes, December 3, alas tres nang hapon sa Notre Dame Chapel sa Las Piñas City.

Dalawampu’t anim na pares ang kanilang mga ninong at ninang, pinaghalo nila ang mundo ng showbiz at pulitika sa kanilang kasal, meron din silang mga kinuhang ehekutibo ng Dos at Siyete.

Kahapon ay nakatanggap ng sulat ang ABS-CBN mula sa GMA 7, marespeto naman ang hiling ng Kapuso network, na sa kasal nina Vandolph at Jenny ay hindi maaring magpunta sa kasal ang anumang crew ng ABS-CBN dahil nakuha ng network ang exclusive coverage nito.

Nagulat ngayon ang mga taga-Dos, paano nangyari yun, samantalang may show si Vandolph sa kanila at ang karamihan sa mga ninong at ninang nila ay mula sa ABS-CBN?

Nakarating sa amin ang impormasyon na ibinenta nina Vandolph at Jenny ang exclusive coverage ng kanilang kasal sa Siyete, nagpadala naman ng sulat ang Siyete sa Dos, para maiwasan na ang pagpapahiyaan at kaguluhan sa mismong kasal.

Namomroblema ngayon si Tito Pascual, ang assistant ni Tito Dolphy, dahil kapag nakara­ting sa ace comedian ang pagsulat ng Siyete sa Dos ay magagalit ang ama ni Vandoph.

Ang mga ninong at ninang nila na mula sa Dos ay nagulat din, ang tanong ngayon ay pupunta pa kaya ito, lalo na’t kasingkahulugan na rin ng pagdadamot nina Vandolph at Jenny ang napagdesisyon nilang ipa-exclusive sa Siyete ang kanilang kasal?

Isang source ang nakausap namin, ang sabi nito, “Nakausap ko na si (Wilma Galvante, boss ng Siyete) nagulat kasi ako, dahil taga-Dos si Vandolph, pero bakit nagkaganun?

“Ang sabi ni Wilma, ginawa lang daw  nila ang pagsulat para maiwasan na ang gulo sa mismong wedding day, kina Vandolph at Jenny daw nanggaling yun at hindi sa kanila,” sabi ng aming source.

Ang mga ninong at ninang nina Vandolph at Jenny mula sa Dos ay sina Deo Endrinal, Sharon Cuneta, Charlene Gonzales-Muhlach, Linggit Tan, Ms.  Susan Roces, Kris Aquino, Maricel Soriano at ang ko­lumnistang ito.

Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, naturingang taga-Dos si Vandolph at sa Dos din nagkapangalan si Jenny, pero sa Siyete nila ibinigay ang exclusive coverage ng kanilang kasal.

“Si Alma Moreno raw ang nakipagtransaksiyon sa Siyete tungkol sa kasal, binayaran sina Vandolph at Jenny, kaya siya ang dapat sumagot sa tanong ng marami ngayon,” pahabol ng aming impormante.

vuukle comment

DOS

JENNY

KASAL

SIYETE

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with