^

PSN Showbiz

Gloria Diaz nagagalingan kay Gina Pareño

- Veronica R. Samio -

Sa halip na ma-insecure sa kanyang napakagaling na co-star na si Gina Pareño, napakalaki ng pag­hanga dito ng kanyang co-star sa pang- MMFFP entry ng Star Cinema na Sakal, Sakali Saklolo na si Gloria Diaz.

 “Ang galing niya! I can never be as good as her. She’s different, a class of her own. Pag-aaralan ko pa, baka next year,” anang former Miss Universe who confesses to being more relaxed doing a comedy role than a drama.

 “Pero, mahirap mag-comedy. Sa drama, mang-api ka lang o manipa ng bata, drama na,” dagdag pa niya.

Ang Sakal, Sakali, Saklolo ay pagpapatuloy ng istorya nina Angie (Judy Ann Santos) at Jed (Ryan Agoncillo) na nagsimula sa Kasal, Kasali, Kasalo na natapos sa kanilang wedding.

May anak na sila sa sequel at “Marami pang pwedeng patunguhan ang istorya at makikisali sa kanilang buhay,” ani Direk Joey Reyes na siya ring gumawa ng script.

Sina Gloria Diaz at Gina Pareño ay dalawa lamang sa original cast na nagbabalik sa sequel nito. Ang iba pa ay sina Ariel Ureta, Soliman Cruz, Tuesday Vargas, Gerald Pizarras, Lui Villaruz, Kat Alano, Ketchip Eusebio, Freddie Webb, Julianna Palermo, at Derek Ramsey.

* * *

Sina Jordan Herrera at Joem Bascon ang maghaharap sa final slot ng Pinoy Mano Mano ngayong Sabado. Ang mananalo sa kanila ang haharap kay Rico Robles para sa titulong unang champion ng PMM.

Matatandaang dumugo ang ilong ni Herrera sa unang paghaharap nila ni TJ Trinidad but he came back with a vengeance defeating Trinidad para sa final slot ng PMM ni Bascon.

Si Bascon naman ay isa sa mga young hearththrobs ng ABS CBN. Tutol ang mga fans niya na mag-boxing siya pero, nanaig ang competitive side.

* * *

Kaisa sa hangarin ng Bb. Pasay ang Psalmstre Enterprises Inc. kung kaya buong lugod itong nagpaunlak na maging sponsor sa prestihiyosong tagisan ng talento at kagandahan para sa mga kadalagahang may edad 17-22 upang tanghaling pinakamagandang Pasayeña. Tradisyon na ang naturang patimpalak, na idaraos bilang highlight sa selebrasyon ng ika-144 na taon ng pagkakatatag ng Pasay.

Ang Psalmstre ang kumpanya sa likod ng New Placenta beauty products na iniendorso ni Ms. International Melanie Marquez at Olive-C soaps na iniendorso naman ni Lovi Poe.

Ang titulo bilang Bb. Olive-C ay ipagkakaloob sa coronation night. Abangan ang in-house talent na si Lyn Reyes na maghahandog ng magandang awitin sa gabi ng koronasyon sa Dis.3, 7PM sa Cuneta Astrodome.

* * *

[email protected]

vuukle comment

ANG PSALMSTRE

ANG SAKAL

ARIEL URETA

CUNETA ASTRODOME

DEREK RAMSEY

GINA PARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with