^

PSN Showbiz

Ryan gustong maging ‘Bading’

-

Ang cute ng sagot ni Judy Ann Santos nang punahin ng press ang bagong hairstyle ni Ryan Agoncillo sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo. Bumata raw ang nobyo sa bagong gupit nito at nagmumukha siyang yaya nito, saka sinundan ng tawa. Sa Piandre nagpa-gupit ang TV host-actor na in fairness, bumagay sa kanya’t nagmukha siyang member ng boy band.

Pang-mag-asawa ang tema ng SSS, pero wala pang balak magpakasal sina Judy Ann at Ryan. Wala rin silang planong mag-live-in at sabi ng actress, magsasama lang sila kung may blessings ng parents nila at kung handa na sila emotionally at financially.

Ang SSS ang last project for the meantime nina Judy Ann at Ryan, dahil ang next soap ng actress na Habang May Buhay ay si Derek Ramsey ang kanyang kapareha. Ang TV host-actor nama’y host ng Season 2 ng Pinoy Dream Academy, pero hindi pa napa-finalize at next week pa niya malalaman ang resulta.

Ang wini-wish nitong matuloy ay ang masama siya sa pelikula ni Vilma Santos at okey sa kanya kung gay role ang gagampanan. Ang matutuwa ng husto ‘pag natuloy ang movie ay ang mother niyang certified Vilmanian na kapareho pa ng birthday ni Gov. Vi.

* * *

Hinanap kay Vic Sotto si Pia Guanio sa Enteng Kabisote 4 (The Beginning of A Legend). Bakit daw wala sa cast ang girlfriend? Ang sagot nito’y, walang magandang role for a guest appearance at napapanood na naman sila sa Eat…Bulaga at Fulhaus at tama na muna ‘yun.

Ayaw pa ring mag-quote ni Vic kung magkano aabutin ang budget ng EK 4, basta malaki sa EK 3 na umabot sa P40 million. Sa processing palang ng film clips ay may kamahalan na, pero hindi nila pinapansin at ang gusto lang ay mapaganda ang movie at magustuhan ng moviegoers, lalo na ang mga bata.

In-incorporate sa story ang early episodes ng Okay ka Fairy Ko para maintindihan ng mga bata kung paano nagsimula ang istorya ng EK series at mahal ang prosesong ginamit. Sa Hongkong ‘yun ginawa pati ang special effects at dollars ang bayad nu’n.

Samantala, naniniwala rin si Vic na wala pang romantic relationship ang leading lady niyang si Kristine Hermosa at si Oyo Sotto dahil wala pang ikinukuwento ang anak. Malalaman niya ‘pag seryoso ang nangyayari sa dalawa ‘pag nagkuwento ang anak na ‘di pa ginagawa. (N.Miralles)

BEGINNING OF A LEGEND

DEREK RAMSEY

DREAM ACADEMY

ENTENG KABISOTE

FAIRY KO

HABANG MAY BUHAY

JUDY ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with