Naghuhugas kamay na!
SEEN: Nakikipagsabayan sa GMA 7 at ABS-CBN ang press release tungkol sa Makisig Network, ang bagong bukas na TV station. Mapapanood sa Makisig Network ang mga programa nina Rico Puno, Ariel Ureta, Dominic Ochoa at ang karera ng mga kabayo.
Hindi lamang sa ABS-CBN at GMA 7 makikipagsabayan ang Makisig Network na may opisina sa Timog Avenue. Ilang beses nang napagkamalan na bar ang opisina ng Makisig Network dahil matatagpuan ang opisina nito sa lugar na kinaroroonan din ng mga gaybar na Adonis at Maginoo.
SCENE: Ang hindi pagdalo ng mga imbitado at mga artista na nagwagi sa 55th FAMAS Awards ang strong indication ng kawalan nila ng interes sa mga award-giving body at awards night. Maging ang publiko ay hindi na rin interesado sa FAMAS at iba pang mga award-giving body dahil nabahiran na ito ng mga kontrobersya katulad ng bagong eskandalo na kinasasangkutan ng voting members ng Philippine Movie Press Club.
SEEN: Mga miyembro ng PMPC ang nagsasabi na naghuhugas-kamay na ang kanilang mga kasama. Na wala silang natanggap na “protection money” mula kay Jobert Sucaldito para maprotektahan ang mga boto ni Jodi Sta. Maria na tinalo ni Sunshine Dizon sa best actress category ng award-giving body na matagal nang questionable ang kredibilidad.
Mahigpit na ipinagbabawal sa mga miyembro ng PMPC at anumang award-giving body ang pagtanggap ng regalo, in cash or in kind, lalo na kung panahon ng pamamahagi nila ng karangalan.
Hindi na bago ang isyu ng bayaran dahil nangyari na ito noon sa PMPC. Nadiskubre na tumanggap ng tig-lilimang libong piso ang ilang miyembro para manalo ang isang best actor nominee pero natalo ito. Naging malaking isyu ang pangyayari at nawala ang tiwala ng mga tao sa PMPC pero nagpatuloy pa rin ito sa pamimigay ng mga karangalan.
Hindi lamang ang pagkapanalo ni Sunshine Dizon ang kinukuwestyon. Malakas ang duda na may protection money involved sa tagumpay ni Marissa del Mar na nanalo ng Best Public Affairs Program Host Award.
SCENE: Noon pa nag-umpisa ang taping ng Patayin Sa Sindak si Barbara. Nag-taping sa Metropolitan Hospital sina Kris Aquino at Albert Martinez.
Nagustuhan ng mga tao sa ospital si Kris dahil naging accommodating ito sa pagbibigay ng autograph at pagpapakuha ng litrato. Nakita rin ng fans ang kanyang anak na si Joshua Aquino. Nagulat ang fans dahil malaki at matabang bata raw pala ang panganay nina Kris at Phillip Salvador.
SEEN: Naging maluwag ang MTRCB sa Ang Lalake Sa Parola dahil hindi nila pinutol ang mga frontal nudity scene nina Justin de Leon at Harry Laurel sa DVD copies na mabibili ng kahit sino, bata at matanda, sa mga video shop.
Mahihirapan si MTRCB Chair Laguardia sa pagpapaliwanag sa mga moralista na magtatanong ng pagpayag niya na ma-release sa market ang uncut version ng pelikula.
- Latest