Angelika support lang ni Yasmien
Ibig sabihin, hindi totoong lilipat siya sa ABS-CBN after mag-expire ang contract niya sa GMA Artist Center sa February next year. Hindi rin totoong inalis na siya sa cast ng Joaquin Burdado at pinalitan ni Iwa Moto. Siya pa rin ang gaganap sa role ng GRO na si Dianne na mai-involve kina Mark Herras at Robin Padilla.
Kung totoong nag-pictorial na si Iwa for Joaquin Burdado, ang ibig sabihin, join pa rin siya sa cast, pero baka ibang role na ang ibigay sa kanya.
* * *
Una ang pangalan ni Marian Rivera kina Shaina Magdayao at Yasmien Kurdi sa billing ng Bahay Kubo, isa sa tatlong entries ng Regal sa Metro Manila Film Festival.
Wala ang una sa presscon at agad umalis ang ka-loveteam ni Rayver Cruz, kaya ang huli ang hiningan ng reaction ng press. Okey ba sa kanya ang billing niya sa pelikula?
“Bakit, ano ang meron sa billing,” tanong ni Yasmien, sabay tingin sa poster ng movie at nakita ngang above the title silang tatlo, pero nauna ang name ni Marian na huling nag-showbiz sa kanila ni Shaina.
“Okey lang sa akin ang billing. Kahit kailan, ‘di naging isyu sa akin ‘yan at wala akong pakialam sa billing. Ang importante, maganda ang pelikula namin,” pagmamalaki nito.
Mas importante rin kay Yasmien na nakasama niya si Maricel Soriano na favorite ng kanyang ina.
* * *
Pumirma na ng kontrata si Dina Bonnevie sa GMA-7 para sa TV remake ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Naging madali sa actress ang bumalik sa network dahil wala siyang exclusive contract sa ABS-CBN. Saka, minsan na rin nitong sinabing she doesn’t want to burn bridges sa two TV stations para libre siyang magtrabaho.
Bale, dalawa sila ni Angelika dela Cruz na magbabalik-Kapuso via Babangon Ako… at siguro naman, alam nilang si Yasmien Kurdi ang pinakabida rito. Second week na ng December ang taping ng teledrama, pero next year pa ang airing. Sa primetime ito ilalagay dahil napatunayang kaya na nina Yasmien at JC de Vera na magdala ng show.
- Latest