MBC inayawan na ang MMFFP!
Matapos ang ilang taong pakikipagtulungan sa Metro Manila Film Festival, para sa pagdaraos ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino, bigla ay nag-beg off ang Manila Broadcasting Company (MBC) at ibinigay nitong dahilan ang pagdaraos ng Paskong Pinoy na pagtutulungan nila ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na gawing isang engrandeng Pamasko para sa publiko mula Dis. 18-22.
“Pero, hindi naman namin tutuluyang talikdan ang MMFFP,” panimula ni Jun Nicdao, MBC president, “Dahil ipagpapatuloy namin ang ginaganap naming Cash sa Pelikula promo na sinimulan namin nung 2006.”
Ang Paskong Pinoy ay magpapamalas ng tradisyong Pilipino.
Sa Dis. 18, magsisimula ang Simbang Gabi (CCP front lawn,
Sa 6:30NG, mapapanood ang Panunuluyan (paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan) tampok ang mga batang personalidad sa showbiz, kasama ang Ramon Obusan Folkloric Group, ang Angono Higantes, circus performers, at ballet dancers. Magsisimula ito sa CCP at magtatapos sa
Tampok din ang Himig ng Pasko (choral competition) at Ilaw ng Pasko (lantern float competition) sa Dis. 18-22.
Gabi-gabi may pagtatanghal ang mga sikat na rock bands sa Tugtog ng Pasko kasabay ang isang tiangge ng mga Pamasko sa CCP Liwasang Kalikasan.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa 8321125 loc. 1113-1117/8326125/7294013.
* * *
Alam mo ba kung ano ang Kawasaki Disease? Isang singaw lang ito na kapag di nagamot ay maaring makamatay. Ngayong Linggo ipaliliwanag nina Mel & Joey ang lahat ng tungkol dito.
Makikita rin sa programa nila ang isang Pinoy trainer ng mga ibon, itatampok din nila ang mga may maiitim na balat pero, dinadakila at nirerespeto at ang isang pintor na hindi sa canvass nagpipinta kundi sa balat ng punongkahoy.
* * *
Magliligid naman ang mga nalalabing contenders sa
* * *
Akala ko si Dennis Trillo lamang ang pinagaagawan sa local showbiz, mayro’n pa rin palang iba, tulad ng isang music icon na nahahati ang puso sa dalawang babae, sino ang papaboran niya?
May follow up sa isang sexy star na buhay prinsesa na ngayon pero, nagdurugo ang puso dahil may pag-ibig na ipinaglalaban. Maisalba kaya niya ang kanyang relasyon?
Dadalawa pa lamang ito pero, sapat na ito para abangan ng manonood sa TV ang Showbiz Central na ilang linggo na ring namamayani sa ere.
* * *
- Latest