Ethel Booba pinapaboran sa PBB
Hindi ko napapanood ang Celebrity Edition 2 ng Pinoy Big Brother pero naririnig ko ang usap-usapan na may pinapaboran si Kuya.
Sangkatutak na raw ang violations ni Ethel Booba pero hindi pa rin ito napapalayas mula sa PBB house.
Gustong-gusto na ni Ethel na lumabas kaya sinasadya na niya ang pagiging pasaway. Pasok na pasok na nga raw si Ethel sa forced eviction pero wala pang aksyon na ginagawa ang kuya ng bayan.
Ang mga kagagahan ni Ethel ang pinapanood sa PBB at kung mawawala siya, mababawasan din ang interes ng viewers sa show. Ganun lang kasimple ‘yon.
* * *
Ipalalabas na pala sa November 21 ang Green Paradise, ang walang kaingay-ingay na launching movie ni Cristine Reyes.
Parang inililhim ang showing ng pelikula na nababanggit lang dahil hot showbiz news ang paghaharap nina Carlene Aguilar at Cristine sa Broadway Centrum noong isang linggo.
Sa totoo lang, timing na timing ang nangyari sa nalalapit na showing ng Green Paradise. Ni sa panaginip, hindi naisip ni Carlene na makakatulong pa siya para lalong mapag-usapan si Cristine at ang launching film nito. (Kahapon ay kinasuhan ni Cristine si Carlene dahil daw sa pambabastos. - SVA)
* * *
Heto naman pala, inililihim ni Richard Gutierrez na nagkita sila
Nagkataon lang na walang nagtatanong kay Richard tungkol sa pagtatagpo nila ni KC.
Hindi dapat intrigahin ang pagkikita ng dalawa dahil kasama
In short, friendly meeting lang ang engkuwentro nina Richard at KC na biglang nali-link sa isa’t isa kaya nagkaroon ng tsismis na na-threaten ang direktor na si Lino Cayetano.
Consistent si Richard sa pagsasabi na magkaibigan sila ni KC kaya paniwalaan n’yo na siya, alang-alang sa ikapapanatag ng kalooban ni Lino. Ikapapanatag talaga o!
* * *
Hindi pa sure kung pasok sa 2007 Metro Manila Film Festival ang Banal pero meron nang mall tour schedule ang buong cast sa panguguna nina Christopher de Leon, Alfred Vargas at Paolo Contis.
Nakalagay na sa mga diyaryo ang mall show nila sa SM Sta. Mesa sa
Hoping ang TV reporter na si Cesar Apolinario na magiging official entry sa 2007 MMFF ang kanyang unang directorial movie.
Puring-puri nina Alfred at Paolo ang Banal, hindi porke sila ang mga bida. Maganda raw ang kuwento at mga eksena ng kanilang pelikula kaya ito raw ang must-see movie ng taon. Talaga ‘ha?
- Latest