^

PSN Showbiz

Mark na-excite sa halik ni Rhian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dedma pa rin si direk Louie Ignacio sa humahabang on line petition ng Kapuso viewers para hindi siya ang magdirek ng Pinoy Idol. Basta, ang alam niya’y sa kanya ibinigay ang project at malapit na silang magsimulang mag-audition dahil February next year ang airing ng local counterpart ng American Idol at papalit sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?

Nasa kanya pa rin daw ang desisyon kung maglalagay siya ng butterflies o hindi sa stage at pabirong inulit ang dialogue nu’n na kung gusto ng anti-Louie viewers ay maglagay sila ng lamok o salagubang.

Pero, matutuwa ang fans kay direk dahil nangakong walang butter­flies sa My Only Love, ang dinidirek niyang teledrama sa Sine Novela block ng GMA-7 na magpa-pilot sa November 12. Maliban na lang daw kung may dumapong paru-paro habang rolling ang camera.

Samantala, nagpapa­sa­lamat si direk dahil ibinalik na ang imahe ng Our Lady of Guadalupe na ninakaw sa bahay niya sa Pagsanjan, Laguna. Nakita na lang sa bundok at nakalagay sa sako ang imahen ng Birhen.

*  *  *

Natuwa na sana si Mark Herras sa inaka­lang siya ang first screen kiss ni Rhian Ramos nang maalala ng press na may kissing scene na ito kay Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Excited pa rin ang actor dahil mas serious ang kissing scene nila sa My Only Love plus, bagong kapareha niya ang young actress at sa tingin niya, magkakasundo sila.

Hindi alam ni Mark na habang ini-interview siya’y tinitingnan namin ang mga kuko niya sa kamay.

Na-blind item kasing madumi ang mga kuko niya, kaya tiningnan namin at dis­appointed kami’t hindi kami makaka­pang-intriga dahil malinis ang mga kuko nito.

Isinabay ni Mark sa presscon ang pagpa-plug ng kanyang birthday dance concert sa Music Museum sa December 14 billed Bump and Dance na hindi niya alam kung sino ang director.

Guests niya sina Rainier Castillo, Studs, Yasmien Kurdi at baka pati si Jennylyn Mercado.

AMERICAN IDOL

BUMP AND DANCE

CAPTAIN BARBELL

JENNYLYN MERCADO

KAKASA KA BA SA GRADE

MY ONLY LOVE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with