^

PSN Showbiz

Pauleen nagpapatayo ng six doors apartment

-

Go pa rin si Pauleen Luna kahit medyo inaantok daw siya during the grand opening of the second branch of her and Mommy Chat’s partly owned boutique called Reborn sa SM North Edsa last Saturday, October 27, dahil five in the morning daw ay gising na siya dahil sa kampanya ng katatapos na barangay elections kung saan mayor ang kanyang boyfriend na si Sherwin Gatchalian. Pagkatapos mangampanya ay deretso na siya sa Eat Bulaga at sa Reborn boutique na nga at 3:30 pm.

From there ay uuwi na raw sila ng mommy  niya para makatulog na. The next day, Sunday, October 28, naman ay magpapahinga lang daw siya sa bahay nila, o kaya’y magmo-malling sila ni Mayor Sherwin sa Power Plant Mall sa Rockwell sa Makati . Ganon lang daw sila. “Siya (Mayor Sherwin) naman ang inasikaso,” chika sa amin ni Pauleen.

Dapat pala raw, sabi ni Mommy Chat, ay sa birthday pa ng young actress sa November 10 gagawin ang opening ng SM North Edsa branch ng Reborn. Kaya lang ay nagpa-feung shui daw ang part owners nila, kaya napaaga raw ang pagbubukas nito. Wala pa tuloy pictures ni Pauleen ang loob ng store. Pero around November or towards end of the year daw ay ‘di lang sa loob ng store magkakaroon ng pictures ang dalaga kundi pati billboards along EDSA.   

Ayon pa kay Pauleen ay isa rin siya sa designers ng ilang clothes na binebenta nila. “Ever since naman kasi, ako talaga ang nagaayos ng clothes ko. I like improvising. Yung mga tela dinidikit ko. Gusto ko talagang mag-design para may touch of me sa shop.”

Nilinaw din ni Pauleen na kanya lang daw ‘yung negosyong ‘yon at sa partners nila ng mommy niya. Wala raw kinalaman ang boyfriend niya dun. “Mayor has nothing to do with this. He’s actually shocked when I told him. Kasi I  work quietly. Walang may alam nito,” dagdag pa ni Pauleen.

Ang alam lang daw ni Mayor Sherwin ay ‘yung pinapagawa niyang anim na pintong townhouse na ipapa-rent o ibebenta niya kapag nagawa na. Pero wala pa rin daw kinalaman dun si Mayor Sherwin. Pera pa rin ni Pauleen ang pinanggagastos niya.

Nung tanungin namin si Pauleen kung anong feeling niya na nominated siya for Best Single Performance by an Actress sa  papel na ginampanan niya bilang Olivia Ortiz sa Magpakailanman sa 21st Star Awards for TV ay natutuwa raw siya. Although pabiro niyang sinabi na ‘di na siya umaasa dahil mahuhusay na mga aktres daw ang co-nominees niya. “Binibiro ko nga si Sherwin na baka ‘di na lang ako pumunta. Sabi naman niya, paano ‘yan, nakahanda na raw ang suit niya!”

* * *

Naging emotional si Manilyn Reynes sa kanyang concert last Saturday din sa Aliw theater for her silver anniversary sa showbiz nang ikuwento niya sa audience kung bakit pinili niyang mag-quit noon sa show business. “Nagkaroon ako ng nodules sa throat, kaya na-depress ako. Kasama na rin ang pagtaba ko. Gusto ko nang umalis na kami ng pamilya ko sa bansa, dahil baka wala na akong lugar pa sa showbiz,” naiiyak na kuwento ng singer-actress.

Ang iniisip na lang daw ni Manilyn noon ay kahit paano ay napaligaya niya ang mga tao, lalo na ang kanyang solid fans sa kanyang mga kanta at palabas.

Bukod sa kanyang fans na andiyan pa rin daw hanggang ngayon, ay pinasalamatan niya rin ang kanyang asawa na si Aljon Jimenez at ang dalawang cute nilang anak na lalaki na sina Kyle at Kirk.

Dumating din to support Mane ang kanyang kaibigang si Sheryl Cruz, Ana Roces at kapwa Cebuana singer na si Sheryn Regis with her husband.

Kumanta naman silang apat ng kanyang mga past boyfriends na special guests niya na sina Ogie Alcasid, Keempee de Leon at Janno Gibbs ng That’s What Friends Are For, dahil sabi ni Manilyn ay kahit ano pa raw ang mga nangyari sa kanila nung araw ay maituturing pa raw niyang mga tunay na kaibigan ang tatlo.

Binuking naman nina Janno at Manilyn ang isa’t-isa sa mga nanood na three months daw silang naging mag-on hanggang sa mabuntis ng una si Bing Loyzaga. (FRANCIS SIMEON)

vuukle comment

DAW

KANYANG

LANG

MAYOR SHERWIN

NIYA

PAULEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with