^

PSN Showbiz

Aiza parating binabantayan ng dyowa

- Veronica R. Samio -

Marami ang nagsasabi na dumating na ang suwerte ni DJ Durano. Matagal na rin naman siyang nag-aartista. Marami sa kasabayan niya ay nagbibida na. Tulad ni Rufa Mae Quinto. Bida na rin siya kung tutuusin dahil sila

ang magkapareha sa Pasukob, latest directorial job ni Wenn De­ramas para sa Octo-Arts Films. Na kung saan ay bida rin si AiAi delas Alas na kapareha naman ni Antonio Aquitania. Bago ang Pasukob ay na­ging kapareha ni DJ si Candy Pangilinan sa Apat Dapat, Dapat Apat.

Taong 1994 nang magkasama sina Peachy (Rufa Mae) at DJ sa That’s Entertainment, isang pang-bagets na programa ni Kuya Germs na inabot ng dalawang dekada sa ere.

Hindi itinanggi nina Peachy at DJ ang pagka­karoon nila ng relasyon sa nasabing programa. Ang sinabi lamang nila: “Matagal na yun, mga bata pa kami, we have moved on.”

Tulad ng Sukob, isang horror film that starred Claudine Barretto and Kris Aquino na siyang ini-spoof ng pelikula, magkapatid sina AiAi at Peachy na nagkakilanlanan lamang nung sila’y mag-aasawa na. Kahit magkapatid, magkaiba ang ka­palaran at ugali nila. Pawang kamalasan ang inaabot ni Aiai sa buhay samantalang suwerte sa lahat ng bagay si Rufa Mae.

Hindi isang horror kundi comedy ang Pasukob.

“Hindi namin kinopya ang Sukob, may mga ek­sena lang kaming ini-spoof, pinaghalo-halo, kinuha sa Feng Shui, Huwag Kang Lilingon, parang Scary Movies. Sila lang yung nagta­takutan, pero nakakat­awa ang pelikula. Kagaya nung ending, sa Sukob, kailangang may isa sa magkapatid na magsakripisyo para mabuhay ang isa. Sa Pasukob, nagturu-turuan sila, walang gustong magsa­k­ripisyo,” ani Direk Wenn.

Hindi pang-festival ang pelikula, ipalalabas ito sa Nobyembre 28. Kasama rin sina Allan K, Eugene Domingo, Rhap Salazar, Joshua Cadelina, Paul Salas, John Sweet Lapus,Mahal, Debralis, Chokoleit at ang mga PBB housemates na sina Nel, Bodie at Robert.

Matatandaan na ito yung movie na pinag-away-awayan nina Allan, Chokoleit at Sweet. The role of Allan was originally for Sweet, package deal kasi sina Direk Wenn at Sweet but since kasama na ito sa Apat Dapat kung kaya napunta ang role kay Allan.

* * *

Nagtataka si Sitti kung bakit nali-link sila ni Aiza Seguerra eh merong girlfriend si Aiza na palaging nasa set ng Ysabella na kung saan ay pareho silang (ni Sitti) nasa cast.

Sinabi rin ng Bossa Nova Diva na never silang lumabas ni Aiza pero kung may time at kung break ng taping nila ay kundi sila nagkukwentuhan ay nagdya-jamming sila. Bukod dito taken na rin si Sitti. Meron itong non-showbiz boyfriend at mag-iisang taon na silang nagdi-date.

 Itinanggi rin nito yung tsismis na niligawan siya ni Victor Neri. Totoo, nanood ito sa isa niyang con­cert pero ang kasama nito ang fan ni Sitti.

 Samantala, bukod sa pagiging franchisee ng Fruitas, isang beverage cart business na matatagpuan sa Shopwise Alabang , endorser din si Sitti ng cart brands ng Lush Group, gumagawa ng mga healthy natural drinks under the brand names of Fruitas, Buco ni Fruitas at The Mango Farm.

 Parang ginawa para sa Fruitas ang 2nd album ni Sitti na Sitti My Bossa Nova. Ang ilan sa 18 kanta dito ay para inuming ginagawa ng Fruitas, tulad ng  Smooth Operator na nagpapaalala ng Summer Smoothie, isang blend ng apple, mango, banana at melon, ang Two Become One ay parang apple at mango at ang Tayo’y Mag Samba ay parang buko drink.

* * *

Pagkaraan ng anim na taon, ngayon lamang inaprubahan ng MTRCB na maisalin sa video ang napakakontrobersyal na pelikulang Live Show, sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes.

 Sa pelikulang ito ay inamin ni direk Joey na narating niya ang langit pero, nalubog din siya sa impyerno.

“Nag-over extend ang presscon para rito sa Berlin Film Festival. Sa rami ng papuring tinanggap ko mula sa mga nakapanood ng pelikula, talagang nakapag­malaki ako na ako’y Pinoy, I was overwhelmed, naiyak ako sa tuwa.

“Naiyak din naman ako pagdating ko rito dahil tinawag nila akong ma­laswa,” pagbabalik-alaala ng director na dahilan sa Live Show ay nagawang mag-martsa sa Mendiola, naisulat sa lahat ng tabloid, dyaryo at magasin. Pati sa Time Magazine ay naging balita siya.

Mapapanood sa video ng Live Show ang 15 minutong expose na pinagdaanan ng pelikula sa MTRCB. Meron din itong exclusive interviews nina Ricky Lo, former MTRCB Chairman Nick Tiongson at Direk Joey Reyes.

 Ang Live Show ay istorya ng mga taong lumalabas sa sexual shows. Tulad ni Rolly (Paolo Rivero) nagtrabaho sa murang gulang para may makain, si Gigi (Claudia Koronel) na gustong mag-abroad pero kailangang aliwin si Rosita (Ana Capri) na naaalala ang anak na ipinamigay nito.

Kasama rin sa cast sina Hazel Espinosa, Simon Ibarra, Daria Ramirez at Nikka Valencia.

* * *

[email protected]

APAT DAPAT

FRUITAS

LIVE SHOW

SHY

SITTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with