Walang Tulugan nominated sa Star Awards
Kahit dis-oras ng gabi (o, umaga na ba?) napapanood pa rin talaga kami. Proof ay ang pagkaka-nomina ng Walang Tulugan sa Star Awards for TV. Nominado rin kami ni Jackielou Blanco bilang best show hosts. O di ba reason ito to celebrate? Akala ko sapat na yung paborito kaming panoorin ng mga Pinoy sa abroad, sa GMA Pinoy TV, pero iba pala yung feeling na kinikilala ang aming efforts dito mismo sa ating bansa.
Proud din akong pagkalooban ng FAMAS this year ng pinakabago nilang award, bilang pagkilala sa aking naging ambag sa industriya ng telebisyon. Akala ko tapos na ako sa pagtanggap ng awards, hindi pa pala.
* * *
Gusto ko kayong imbitahang lahat sa 2nd anniversary ng Walk of Fame sa Libis sa Nov. 30. Mas maaga sana ang celebration pero, nakiusap si Gina Pareño na i-delay ko ang affair dahil nasa Singapore siya para tumanggap ng kanyang best actress award.
Isa si Gina na gagawan ko ng tablet sa araw na ito. Makaka-join na siya ng maraming artista na nabigyan ng star sa Libis.
* * *
Meron nga pala akong gagawing digital movie kasama ang aking kumadreng si Gloria Romero sa direksyon ni Joven Tan at script ni Dennis Evangelista. May inaayos lang na kaunting problema dahil napaka-hectic ng sked ni Mareng Glo. Bukod sa nagti-taping sila ni Cesar Montano para sa ABS-CBN, kasama pa rin siya sa Bahay Kubo na pang- MMFFP ng Regal.
Maganda ang kuwento, tungkol sa isang ampon na naging malditang gay. Ako yung nag-aampon at si Mareng Glo naman ang best friend ko na may sarili ring problema. Excited ako dahil first digital ko ito at alam kong maraming digi movies tayong nananalo sa abroad.
- Latest