Musician pumayag na pag-eksperimentuhan ang sakit sa Amerika
Tiyak na mag-uunahan ang ASAP at SOP sa pagkuha kay Anna Fegi na kababalik lang ng bansa matapos mag-expire ang contract niya sa Hong Kong Disneyland bilang isa sa mga performer sa Lion King.
Promise na mas lalong umangat ang kaliber niya bilang isang singer. At ang maganda pa ay parang walang effort sa swabe nitong paghagod ng mga kanta.
Katulad ng ibang Pinoy, hindi rin naging madali kay Anna ang manirahan at magtrabaho sa ibang bansa pero nagbunga naman ito ng maganda dahil nag-mature siya as a person.
Bukod sa gabi-gabing performance niya bilang isa sa main character ng Lion King as Nala, isa sa high light ng kanyang career na ipinagmamalaki nito ay nang minsang mapili siyang solo performer sa New Year countdown sa Hong Kong Disneyland.
Si Anna ang first Filipino na gumanap na Nala na usually ay sa mga African American ibinibigay.
Halatang inspired ang singer sa kanyang magandang aura ngayon.
Kaya naman pinagkaguluhan ang picture nila ng kanyang bf na literal na kumakain ng apoy dahil member ito ng fire and knife dancer na kasama niya sa cast ng Lion King.
Naiinggit ang mga bading sa gwapo at bagets na bf ni Anna na isang Japanese American na naka-base sa
Twenty four years old ang bf ni Anna na si Micah Naruo at isang Christian. Six years ang tanda ni Anna. Isang taon na mahigit ang itinatakbo ng kanilang relasyon at wala pa silang balak magpakasal.
Sa December ay dadalawin uli siya ng kanyang bf sa
Matapos ang matagal-tagal na pagkawala, unang makikita si Anna ng publiko sa kanyang concert na Perfect Pair kasama ang kanyang ama-amahang si Toti Fuentes na nakikipaglaban ngayon sa sakit na cancer.
At tinaningan na pala ng six weeks si Mr. Fuentes and that was five years ago pa. Lumipad siya sa
Ngayon ay umiinom siya ng tableta kada-araw na ang halaga ng isa ay P13,000 (Sutent). Pero mabibili ang Sutent sa ‘Pinas sa halagang P6,000 ang isang piraso. Kaya kailangang bumalik din si Mr. Fuentes sa
“Minsan wala na akong hininga at naka-oxygen na lang ako. Talagang tinanggal ko ito at sabi ko sa wife ko, please find gigs for me. Because I’d rather die performing than having oxygen on my nose. Music is my life kaya nandito pa ako. Kung kailangan kong gumapang para lang makarating sa show namin ni Anna, I’l do it,” pangako ni Mr. Fuentes na balak bumalik next year para sa itatayo niyang foundation para sa mga kapus-palad na batang Pinoy.
Ang Perfect Pair series shows nila Anna at Mr. Fuentes ay gaganapin sa Oct. 27, Nov. 8, 10 at 15 sa Merks Bar Bistro. (LANIE MATE)
- Latest