^

PSN Showbiz

Sharon textmate ni Angel Locsin

- Veronica R. Samio -

Magmula nang bumalik si KC Concepcion mula sa kanyang pag-aaral sa Paris at nasabay naman sa paglipat ni Angel Locsin from Kapuso to Kapamilya networks  ay nagsimula na ang pagsasabong sa kanilang dalawa.

“Ayaw kong makipag-compete kay KC,” panimula ni Angel sa unang pa-presscon sa kanya ng ABS CBN.

“Fan ako ni KC simula nang mapanood ko siya sa kanyang special. I texted Sharon to tell her of this at simula nun, nagti-text na kami,” dagdag pa ni Angel na napaiyak sa kanyang presscon nang pault-ulit na ungkatin ang ginawa niyang paglipat at ang sinasabing kawalan niya ng utang na loob.

“One of these days, gusto ko silang puntahan para mag-usap-usap kami, in private,” pagtatapos niya.

* * *

Kung di sa daughter ko, di ko malalaman kung gaano kagaling mag-perform ang naging runner-up ni Frenchie Dy sa Star In A Million na si OJ Mariano. My daughter told me na napanood niya si OJ in one of his gigs at nagalingan siya rito.

Hindi siya nagkamali, OJ proved to be a fine performer, dishing out songs na nangangailangan ng mga matataas na nota at never itong sumabit.

I’m just wondering now kung hindi ba aware ang ABS CBN sa talent ng isa nilang discovery because up to this time, wala ito sa kahit isa man lamang nilang programa, lalo na sa ASAP na kung saan nagsisimula ang mga natutuklasan nilang talents. He will surely give many of the program’s regulars a run for their money. Huwag na akong mag-mention ng pangalan.

Ang galing niya! Sasang-ayon dito ang lahat ng mga nakapanood ng kanyang The Best of Me concert sa Ratsky Morato last Friday.

Maski ang guest niyang si Kyla na talaga namang napaka-galing ay bilib na nakaya ni OJ na pagsunud-sunurin ang mga mahihirap niyang kanta. At hindi niya ito nagawang sapawan gayong napakagaling ng pagkakanta niya.

* * *

Napaka-successful nang naganap na 1st National Aga Muhlach Wakeboarding Cup na ginanap sa Lago de Oro, isa sa dalawang lugar na popular sa larong ito (ang isa pa ay ang Camarines Sur sa Bicol) at pag-aari ng isang mag-asawang Pinay at Italyano. But it was Mrs. Ellen Pesci who exhibited the well known Filipino hospitality at walang pagod na nag-asikaso sa lahat ng bisita at participants mula umaga hanggang gabi.

Kahit parehong baguhan, nagpakita ng galing sa wakeboarding ang mag-asawang Aga at Charlene Muhlach but it was only Aga who won second place sa beginners division.

“I’m just happy to reach the finals,” pakonswelo ng magandang misis ng organizer ng wake­boarding event na dinaluhan ng mga kilalang pangalan sa mataas na lipunan.

* * *

May isang bagong programa sa Studio 23, Lunes, 11:00 NG, na hindi lamang nagtuturo sa manonood ng paraan ng pagluluto kundi magdadala pa rin sa kanila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ito ang Tablescapes—Life on a Plate, na magta­tampok sa mga luto sa mga probinsiyang pupuntahan ng show, mga kakaibang table settings, home décor, atbp.

Hosts ng bagong programa sina Chef Bruce Lim na sa US nag-aral at kumuha ng karanasan sa pagluluto at Angel Aquino. Direktor si Pinggoy Generoso.

ANGEL AQUINO

ANGEL LOCSIN

BEST OF ME

CAMARINES SUR

CHARLENE MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with