^

PSN Showbiz

‘Dapat ba akong ma-afraid sa bantang demanda ng isang American citizen?’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Muntik na akong ma-late sa pagsisimba kaha­pon dahil sa phone-patch interview sa akin ng Show­biz Central tungkol sa isyu na nakita kong mag­kasama sa isang hotel sina Piolo Pascual at  Sam Milby.

At dahil nagsimba ako, hindi ko na napanood ang The Buzz. Nabalitaan ko na lang na idede­manda raw ako ni Sam dahil may malisya ang aking mga sinabi.

Gusto raw ni Sam na i-retract ko ang mga kuwento or else, magdedemanda siya. Well, this is a free country. Kung anuman ang gustong gawin ni Sam, malaya siya pero paninindigan ko ang aking mga salitang binitiwan.

* * *

Marami ang tumatawag sa akin  para kunin ang side ko tungkol sa threat ni  Sam na idedemanda ako.

Hindi muna ako magpapainterbyu dahil baka mapagalitan ako ng PUM at EP ng Startalk ‘noh! Siyempre, gusto nilang exclusive sa Startalk ang pagsasalita ko.

Dapat ba akong ma-afraid sa isang American citizen na tulad ni Sam? Teka, ask ko muna ang mga bossing ko sa Pilipino Star Ngayon at PM na nag-promise na susuportahan nila ako, all the way. All the way daw o!

* * *

Isang bagay lang ang ikinatatakot ko, baka sa Amerika mag-file ng kaso si Sam. Hindi ko pinangarap na bumiyahe ng malayo noh?

Ang layo-layo ng Amerika! Kawawa naman ako, inaapi ako sa sariling bayan ng isang American citizen!

* * *

Marami ang naka­pansin na malaki ang ipinayat ni Pauleen Luna kaya gusto nilang malaman ang kanyang sikreto.

Nagbababad ba si Pauleen sa gym? Over-worked ba siya o nama­yat siya dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ni Mayor Sherwin Gat­chalian?

None of the above ang tumpak na kasagu­tan dahil pomelo o suha ang sikreto ng pagpayat ni Pauleen.

Maya’t maya ang pagkain ni  Pauleen ng suha at ang kanyang Mom­my Chat ang masi­g­asig sa pagtatalop ng prutas na ibinabaon ng kanyang anak sa mga taping.

Na-discover ni Mom­my Chat ang mila­gro ng suha mula sa kan­yang kapa­tid na babae na US based.

Nagbakasyon sa Pilipinas ang kapatid ni Mommy Chat at ito ang sumundo sa kan­yang sister dear sa airport.

Alam n’yo ba ang nangyari?  Muntik nang maka­­­lampas kay Mom­my Chat ang kan­yang kapatid dahil hindi niya ito nakilala.

Mataba ang kapatid ni Mommy Chat pero malaki ang ipinanga­yayat nito da­hil sa pagkain ng suha na sinabayan niya ng konting excercise.

Na-inspire si Mommy Chat sa sexy figure ng kanyang kapatid kaya pina­yuhan niya si Pauleen na mag-suha diet!

Presto! Bumaba ang timbang ni Pauleen dahil sa suha!  Maganda ang epekto ng suha kay Pauleen pero ayoko itong ireko­menda sa iba dahil baka magkaroon ng ibang side effect sa inyong mga katawan.

Sa mga gustong subukan ang suha diet, i-try n’yo muna at kung medyo sumama ang inyong paki­ramdam, huwag pilitin dahil baka magkasakit kayo.

AKO

DAHIL

MOMMY CHAT

PAULEEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with