Iza at Cristine ‘Di Sinipot Si Robin
Ang Belo Medical Group ang sponsor ng special screening kagabi sa MyCinema ng
Alam n’yo ba ang nangyari? Ipinakansela ni Dra. Vicki Belo ang special preview dahil sa malagim na nangyari sa Glorietta 2.
Nakakapangilabot ang balita na marami ang nasugatan at may mga namatay sa pagsabog na naganap kahapon ng 1:30 pm sa Glorietta Mall.
Ayon sa initial reports, ang nag-leak na LPG ang dahilan ng pagsabog dahil gumuho ang isang bahagi ng mall at habang isinusulat ko ito, hindi pa tiyak ang bilang ng mga namatay at nasaktan.
Parang mahirap paniwalaan na LPG ang rason ng pagsabog dahil masyadong malaki ang damage sa Glorietta 2 Mall.
* * *
Likas ang pagiging usyosero ng mga Pilipino. Imbes na magsipag-uwian pagkatapos ng pagsabog, pinaligiran pa nila ang mall para panoorin ang rescue operation ng mga pulis.
Hindi nakuntento ang iba sa panonood ng TV dahil pumunta pa sila sa site ng pagsabog.
Bilib ako sa media dahil tinutukan nila ang pangyayari. May mga nagpunta sa ospital para kilalanin ang mga biktima.
Mabilis na kumalat ang balita dahil sa text messaging. May mga kakilala ako na nasa ibang bansa na nauna pang nakaalam sa pagsabog. May nag-text daw sa kanila na pinasabog ang Glorietta Mall.
Noong una, inakala ng iba na joke lamang ang text na natanggap nila. Naniwala sila nang i-flash sa TV ang breaking news tungkol sa nakakalungkot na pangyayari.
Nakikiramay ang PSN sa mga biktima at sa kanilang mga pamilya na nagdadalamhati.
* * *
Nagkaroon ng story conference ang Joaquin Burdado noong Huwebes at dinaluhan ito ni Robin Padilla at ng kanyang anak na si Kylie na introducing sa bagong TV series ng GMA 7.
Sina Iza Calzado at Cristine Reyes ang leading ladies ni Robin sa Joaquin Burdado pero hindi umapir ang dalawa sa story conference.
Nasa Batanes si Iza para sa shooting ng pelikula nila ni Ken Zhu at may taping naman si Cristine para sa Marimar.
Sandali lamang ang itatagal ni Ken sa Pilipinas kaya araw-araw ang shooting nila ni Iza.
Disappointed kay Ken ang mga TV crew na nag-abang sa airport at sumalubong sa kanyang pagdating dahil hindi na nga siya nagpainterbyu, matipid pa siya sa pagngiti.
Nakoo, intindihin n’yo na lang si Ken dahil hirap ito sa pagpapainterbyu porke hindi siya marunong magsalita ng Ingles. Hindi rin sila magkakaintindihan ng mga reporter na mag-iinterbyu sa kanya.
* * *
Bago tayo mapalayo ng topic, join din sa cast ng Joaquin Burdado ang kapatid ni Robin na si Rommel Padilla.
Ganyan ka-generous si Robin. Kung may role para sa kanyang mga kamag-anak, isinasama niya sa kanyang mga project.
Board member na ng Nueva Ecija si Rommel pero hindi niya makalimutan o maiwan ang pag-aartista dahil nasa dugo nila ito.
Hindi man naging successful actor si Rommel katulad ni Robin, masuwerte naman siya sa kanyang political career. Kung hindi ako nagkakamali, number one board member si Rommel noong nakaraang eleksyon.
- Latest