Nanay ni Angelica Jones may Warrant of Arrest
Ilang taon na ang nakakaraan ay niregaluhan ng mamahaling singsing ng isang aktres ang kaibigan niyang aktres. Hindi lang kasi sila magkaibigan, magkakontemporaryo pa sila nang pumasok sa showbiz, kaya dahil siya naman ang kaaangat sa buhay ay niregaluhan niya ito ng alahas.
Tuwang-tuwa ang aktres nung kilatisin nito ang singsing, “Naku, maraming salamat, at least, makapagsusuot na ako ngayon ng totoong alahas. Puro fancy jewelry lang kasi ang mga ginagamit ko,” sabi nito, sabay yakap sa kanyang kaibigang aktres.
Pero ilang linggo pa lang ang nakararaan ay nakarating na agad sa nagregalong aktres na ibinenta ng kanyang kaibigan ang alahas, mababaw ang dahilan nito, marami raw kasi itong bayarin sa bahay kaya kinailangan nitong ibenta ang alahas na regalo ng kanyang kaibigan.
Sabi ng aming source, “Nasaktan siyempre sa ginawa ng kaibigan niya, nasaan nga naman ang pagpapahalaga ng regalo niya, eh, hindi pa nga naman yun nag-iinit sa daliri nung pinagregaluhan niya, e ibinenta na yun kaagad?
“Mula
Opinyon ng marami ay paano naman kasi uunlad ang buhay ng aktres na yun kung wala naman itong disiplina? Mangangako itong magbabago na, pero ganun pa rin naman ang kanyang ugali, sino ang maaawa sa ganung klase ng tao?
Napakalaki ng kanilang pinagkaiba, ang aktres na nagregalo ng alahas ay may magandang buhay dahil masikap siya, samantalang ang aktres namang niregaluhan ay tamad at laging nagpapatalo sa kanyang mga problema.
“Hindi krimen ang sumakay sa tricycle, pero bakit ba nangyari sa kanya ang ganun, ibang tao ba ang may kasalanan kung bakit ganyan ang kinahantungan ng buhay niya?” komento pa rin ng aming source.
* * *
Aligagang-aligaga ang taong nagdemanda kay Mommy Beth Jones sa pagtatawag sa mga reporter, nagte-text din ito para sabihing meron nang warrant of arrest ang ina ni Angelica Jones, na para bang isang malaking karangalan para sa kanya ang pagbabalita na meron itong naipahiyang tao.
Puwedeng magpiyansa ang ina ni Angelica, hindi naman siya nakapatay at lalong hindi nakasalalay ang kaligtasan ng bansa sa kasong kinasangkutan niya, kaya ano ang gustong palabasin ng taong nagdemanda sa kanya?
Tinawagan kami ng taong yun, hindi namin nagustuhan ang arangkada nito, “Ako ang nagdemanda sa mommy ni Angelica Jones at may warrant of arrest na siya ngayon!” sabi nito.
Ang unang tanong namin sa kanya ay kung saan nito nakuha ang aming telepono, kung sinu-sino ang itinuturo nitong nagbigay raw sa kanya ng aming cellphone number, kasunod ang tanong kung ano ang kanyang intensiyon sa pagtawag sa amin.
Yun nga raw, may warrant of arrest na raw ngayon ang ina ni Angelica at gusto pa raw nitong nandun mismo ito kapag hinuli ang kanyang inasunto. Hindi namin gusto ang kanyang tono, hindi namin kasanggang-dikit si Mommy Beth Jones, pero wala siyang masamang ipinakisama sa amin.
Naiintindihan namin ang kanyang kalagayan, kahit naman sino sa atin ay dumadaan sa mga pagsubok, pero hindi nangangahulugan yun na kriminal na tayo.
Mahilig sa publisidad ang taong nagdemanda sa kanya, publisidad lang ang habol nito, kaya yun naman ang hinding-hindi namin ibibigay sa kanya.
- Latest