Manny, inisnab ng mga sports official
Nang magkasunod na magbigay ng statement ang aktres na si Jean Garcia at ang mga opisyal ng bayan sa Surigao na kapwa nagsasabing wala namang masamang nangyari talaga sa aktres nang dumalaw siya sa lalawigan, hindi namatay ang mga ispekulasyon kundi lalo pang lumubha ang mga usapan.
Nakiusap pa si Jean sa movie press na kung maaari ay huwag na sanang mapag-usapan pa ang bagay na iyon, na wala namang nangyaring hindi maganda sa kanya, at natutuwa siyang nakabalik na rin siya sa Maynila. Ayaw na ni Jean pahabain pa ang kuwento.
Ang mga opisyal din naman ng Surigao ay nagsabing sa pagkakaalam nila ay maayos ang naging pamamalagi ni Jean sa kanilang lugar, at pinakisamahan naman siya ng maayos doon ng lahat ng mga tao.
Walang ‘maltreatment’ sabi nila.
Ang hindi lang maliwanag sa amin ay kung bakit sinasabing nang magbalik si Jean sa Maynila ay umiiyak siya nang dumating sa airport, may escort pang dalawang pulis at ni hindi makapagbigay ng kahit na anong statement. Hindi rin naman maliwanag sa amin ang kanyang statement na natutuwa siyang nakabalik na siya sa Maynila na walang nangyaring masama.
Basta kasi sinabi mong natutuwa ka at nakabalik ka, ibig sabihin
* * *
Napansin lang namin, nang dumating si Manny Pacquiao, hindi mga opisyal ng sports ang sumalubong sa kanya kundi mga talunang pulitiko at ang secretary of Environment and Natural Resources, isang departamento ng gobyerno na wala namang kinalaman sa boxing.
Doon naman sa Channel 7, ang sumalubong sa kanya ay mga artista, wala man lang mga athletes na bumati sa kanya.
* * *
Tuwang-tuwa si Fr. Dale Anthony Barretto Ko, ang parish priest ng Proposed National Shrine for St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas, dahil iyong mga bricks na inalis sa Rizal Avenue sa Maynila, matapos na iutos ni Mayor Fred Lim na muling buksan ang lansangang iyon sa traffic ay ipinagkaloob pala ng mabait sa mayor para magamit sa itinatayong shrine ni Santo Padre Pio.
Nasabi nga sa amin ni Fr. Dale na ipinapanalangin naman nila na sana ay lalong maging matagumpay ang pamumuno ni Mayor Lim sa Maynila. Ang mga deboto ni Padre Pio sa buong bansa ay nagpapasalamat din kay Mayor Fred Lim.
- Latest