^

PSN Showbiz

Jennylyn, naiipit sa manager at GMA 7

-

Hindi namin alam kung maysakit na naman si Jennylyn Mercado sa ginanap na storycon ng bago niyang Indie Film na Manila-West Side Story kasama sina Jacky Woo, Paolo Paraiso at iba pa dahil wala na naman itong matinong sagot sa mga tanong ng press.

Bagama’t nakangiti ang dalaga habang ini-interview ng enter­tain­ment press at TV reporters ay parang hindi naman niya nasa­sagot ng matino ang isyung may tampo siya sa kanyang manager na si Becky Aguila.

Lumabas kasi sa ibang pahayagan na may tampo ang aktres sa manager niya dahil hindi raw siya naaasikaso simula nu’ng lumipat sa ABS-CBN si Angel Locsin dahil doon na raw nakatutok ang nasabing manager.

Kaya’t nang tanungin namin ng harapan si Jennylyn katabi ang manager niyang si tita Becky ay panay ang iling nito at iba ang facial expression.

“Wala naman po akong nakakausap na reporter kaya hindi ko alam ‘yung nasulat,” diin ng dalaga.

Anyway, may nagtsika naman sa amin na pressured daw si Jennylyn ngayon dahil iniipit siya ng GMA management na bitawan na ang manager niyang si tita Becky para mas gumandang lalo ang career niya.

Nabanggit din sa amin ng taga-Artist Cen­ter mismo, “Iniipit kasi si Jen ni (name ng bossing) na lumayo sa manager niya, huwag makipag-mabutihan at ipakitang hindi siya pinapansin para magkaroon ng da­hilan na iwan niya.”  – REGGEE BONOAN

ANGEL LOCSIN

BECKY

BECKY AGUILA

INDIE FILM

JACKY WOO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with