Direk Lino at KC, sabay pumunta ng Singapore
Naging matensyon ang mga nakaraang linggo sa buhay nina Direk Lino Cayetano at KC Concepcion, ang director sa pagkaabala sa ipinalalabas pa ring pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson at si KC naman sa matagumpay niyang special sa ABS-CBN.
Bilang pampaalis ng pagod at tensiyon ay magkasamang nagbakasyon sa
Gandang-ganda ang aming mga kaibigan kay KC na hindi raw nakakalimot ngumiti basta may nakikitang mga Pinoy, “Napakabait ng anak ni Sharon, walang kaere-ere, siya pa ang bumabati sa mga Pilipinong nakakasalubong niya,” papuri ng aming kaibigan sa dalaga.
Gwapung-gwapo naman ang mga ito sa director, marespeto raw si Direk Lino at tulad ni KC ay hindi rin maramot sa pagngiti, “Saka pwede siyang gumanap na Jesus Christ sa mga passion play natin, napakaamo ng mukha niya, parang ang sarap niyang maging boyfriend,” komento pa rin ng aming kaibigan.
Ayon sa impormasyong nakarating sa amin ay nanood muna ng sine ang dalawa, pagkatapos ay nag-shopping, malambing daw sina Direk Lino at KC sa isa’t isa.
“Pero yung sweetness na disente pa rin, hindi OA ang kanilang mga kilos, alam mong they love and respect each other,” sabi ng ating kababayan.
Maraming kaibigan namin ang nagsasabi na napakaswerte ni KC kay Direk Lino, ang impresyon ng mga nakakausap namin sa director ay napakabuti nitong anak, kaya magiging mabuti at responsableng asawa at ama rin si Direk Lino.
Pareho lang silang maswerte sa bawat isa, si KC sa kabila ng kanyang tagumpay ay nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa, nasa kanya na ang lahat na mga katangian para magbago pero hanggang ngayon ay nananatiling mapagkumbaba ang dalaga ng megastar.
* * *
Mas bumagay kay Piolo Pascual ang maigsing buhok, mas nagmukha siyang malinis at mabango sa bago niyang gupit, kapag tinilad-tilad mo ang bawat bahagi ng mukha ng aktor ay masasabi mong walang
Marami na kaming nakikitang magandang pares ng mga mata, pero ang mga mata ng aktor ay ibang-iba, kahit nakangiti na si Piolo ay para pa rin siyang nanghihingi ng awa at pang-unawa.
“Ganun? Parang namamalimos ang mga mata ko?” pagkokomedya ng isa sa mga artistang may mabuting puso.
Halos wala na naman siyang pahinga ngayon dahil nagsimula na ang taping nila ni Angel Locsin para sa seryeng Lobo, may kahirapan ang papel na ginampanan niya ngayon, dahil puro maaksiyon ang kanyang mga eksena.
Meron pa siyang mga sugat-sugat sa kamay noon dahil sa pulbura, ilang linggo ring nag-target shoot si Piolo bilang preparasyon sa kanyang papel sa Lobo, modeling naman ang pinag-aralang mabuti ni Angel.
Bukod sa kanyang taping ay kaliwa’t kanan din ang booking niya para sa mga shows sa malalayong probinsiya, nakakaawa nga si Piolo, dahil kung minsan ay sa airport na siya nanggagaling kapag nagre-report siya sa taping.’
Kailangan nilang mag-double time sa taping ngayon dahil paalis na naman ang actor-singer para sa kanyang series of shows sa Amerika, palaging masaya si Piolo kapag sa Amerika ang kanyang show, magkikita na naman kasi sila dun ni Mommy Amelia.
“I also have to spend time with may son, dun na kasi siya nag-aaral, nung last time ngang nandun ako, namasyal kami sa Disneyland. Miss ko na ang anak ko,” sabi pa ng aktor.
Matindi ang pisi ng pasensiya ng aktor na ito, dinadapurak na siya ng iba diyan, pero nananatili lang siyang tahimik. Ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang mga ganyan, tutal naman, ilang araw ay lalabas din kung ano ang totoo.
Ang pagiging marespeto at tahimik ni Piolo Pascual ang mga katangiang minahal sa kanya ng sambayanan, napakasarap nga namang sumuporta sa isang artistang marunong magpahalaga sa kanyang kapwa, masarap mahalin ang tulad ni Piolo Pascual na ang puso ay nakauunawa.
- Latest