Rufa Mae, co-prod ng Apat Dapat
Absent si Candy Pangilinan sa celebrity premiere ng Apat Dapat, Dapat Apat noong Lunes dahil nasa
Hindi totoo na may tampo si Candy sa Viva Films dahil hindi maganda ang billing ng kanyang pangalan sa mga poster at billboard ng pelikula nila nina Rufa Mae Quinto, Pokwang at Eugene Domingo.
True na na-hurt si Candy pero matutuwa ito kapag nalaman niya na naaliw ang mga tao sa kanyang mga eksena sa pelikula.
Ngayon ang showing sa mga sinehan ng Apat Dapat, Dapat Apat. Co-producer ng pelikula si Rufa Mae na nananalangin na maging box-office hit ang unang project ng kanyang production outfit.
Ang balita ko, naglabas ng ten million pesos (P10M) si Rufa Mae dahil ‘yon ang share niya bilang co-producer ng pelikula. Ganyan ka-rich si Rufa Mae!
* * *
May nagkuwento sa akin na napa-“Uyyy” ang mga tao nang lapitan at i-beso ni Rufa Mae Quinto sa premiere night ng Apat Dapat, Dapat Apat ang kanyang ex-boyfriend na si Erik Santos.
Nagtataka lang ang aking spy dahil mas marami ang artista ng ABS-CBN na dumalo sa celebrity premiere kesa mga artista ng GMA 7.
Hindi nakapagtataka ‘yon dahil identified sa ABS-CBN ang direktor na si Wenn Deramas.
Tumulong si Wenn sa pag-iimbita ng mga artista para maging successful ang premiere night ng kanyang bagong pelikula.
* * *
Kumalat kahapon ang balita na nagkasapakan daw sina Bianca King at Marian Rivera sa taping ng Marimar.
Ayaw paniwalaan ng mga baklita ang balita dahil magkasama ang dalawa sa Marimar. Baka raw publicity lamang ‘yon para mapag-usapan ang kanilang TV series.
Totoo raw na nagkaroon ng fight scene ang dalawa at na-hurt si Bianca dahil napalakas ang sampal sa kanya ni Marian na agad na nag-sorry kaya para sa mga baklita, hindi dapat palakihin ang isyu.
* * *
Sunud-sunod yata ang mga pagsubok kay Kristine Hermosa pero pinakamatindi ang binatilyo na namatay dahil nabangga ng kanyang sasakyan.
Siguradong traumatic para kay Kristine ang nangyari. Traumatic dahil lulan siya ng kanyang sasakyan nang maganap ang aksidente.
Mas matindi pa ito sa balita na may iba nang girlfriend ang kanyang asawang si Diether Ocampo at sa tsismis na inirap-irapan niya si Marian Rivera sa shooting ng kanilang TV commercial.
Hindi tuloy na-enjoy ni Kristine ang pilot telecast noong Lunes ng Prinsesa ng Banyera.
Namatay ang biktima na nabangga ng sasakyan ni Kristine kaya matagal-tagal pa ang itatakbo ng kaso.
* * *
Walang nakikisimpatiya kay Criselda Volks sa pagtatangka nitong tapusin ang sariling buhay.
Imbes na kaawaan si Criselda, kinaiimbyernahan pa siya ng mga tao dahil sa kanyang suicide attempt.
Kailangan ni Criselda na kumunsulta sa isang psychiatrist or whatever dahil tiyak na emotionally at mentally disturbed siya.
Walang taong matino ang utak ang makakaisip na magpakamatay. Professional at medical help ang kailangan ni Criselda para maging matapang siya sa pagharap sa mga problema.
It’s a must na magdasal o magbalik-loob sa Diyos si Criselda para makita niya ang tamang daan. Huwag niyang sayangin ang kanyang buhay dahil mas marami ang bilang ng mga taong mas matindi ang problema o may mabigat na karamdaman pero nagpipilit na mabuhay!
- Latest