Ara Mina, pikon na kay Jinky Pacquiao!
Patungong Mara gondon, Cavite ang mommy Mai Hermosa ni Kristine nang makausap namin sa cellphone kahapon, Lunes para personal na kausapin ang magulang ng 15-year old kid na nasagasaan ng driver habang pabalik ng Maynila galing sa taping ng Prinsesa Ng Banyera.
“Ngarag ako Gee, hindi ko pa alam kung ano ang detalye, hinahanap pa namin ang lugar nung pamilya, hindi naman namin talaga pababayaan ‘yun, siyempre.
“Naawa nga ako kasi batang-bata pa, e, sino bang may gustong mangyari ‘yun?” saad pa ng mommy ni Kristine na halatang apektado sa nangyari.
Ayon naman sa head publicist ng Star Magic na si Rikka Dylim ay, “As of this very moment ay nasa
“Hindi nga nila pababayaan at saka hindi naman si Kristine ang nakasagasa kundi ang driver kaya’t unfair ‘yung mga balitang tinakbuhan.
Mabilis kasing kumalat ang balitang pinabayaan ng aktres ang namatay na bagets at wala man lang daw nag-aasikaso.
As of now ay nasa taping si Kristine kaya’t hindi pa rin siya mahagilap.
Samantala, ang 15 year old kid na namatay ay walang lisensiya at hindi rin daw naka-rehistro ang motor na sinasakyan nito.
Base naman sa nakausap din naming taga-Dos ay guest daw sana si Kristine sa ASAP ‘07 last Sunday para sa promo ng Prinsesa Ng Banyera pero hindi nga ito nakarating dahil sa nangyaring aksidente.
* * *
Tiyak na hindi palalagpasin ni Ara Mina ang sinabi raw ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinky na magpapakamatay siya once na napatunayan niyang may relasyon ang asawa niya at ang sexy actress na kasama pa sa pelikulang prodyus ng kapapanalong boksingero.
Bagama’t itinanggi na ni Ara ang nasabing isyu, pero hindi pa rin tumitigil daw ang kampo ni Jinky ng pasaring sa aktres.
Kaya’t sa show ng Raging Divas mamayang 11NG sa The Library kung saan special guest si Ara ay nakikinita na naming kukuyugin na naman siya ng entertainment press dahil dito lalo’t kapapanalo na naman ni Manny kay Antonio Marco Barrera by a unanimous decision.
Ang nasabing Raging Divas show ay supported by Reyes Haircutters, Calayan Medicentre, Trav’lers Joint, Boy Abunda, Boy Asistio at Nadia
* * *
Maraming mga ba tang nagmarakulyo sa ginanap na Lastikmanania in Trinoma last Saturday dahil hindi naman pala for sale ang freebies na naka-display sa activity center.
Maski na anong pakiusap ng mga magulang ng mga bagets ay hindi pa rin sila pinagbigyan ng mga staff ng Dos dahil sa SM stores daw available ang mga nasabing produkto.
Mabuti na lang at naroon si Lastikman himself Vhong Navarro para sa picture taking kaya’t naibsan ang mga bagets na tinotopak at naroon din ang ilang cast na nakipagtsikahan din at nakiisa sa mall show. — REGGEE BONOAN
- Latest