Ngayon, alam na ng mga Pinoy kung bakit patok si Billy Crawford sa abroad!
Ilang ulit bang pinabalik ng mga manonood sa Araneta Coliseum si Billy Crawford sa katatapos nitong first major concert dito sa Pilipinas after na sumikat ito sa
Pinamagatang It’s Time, first time yun na mapanood ang dating That’s Entertainment member at talaga namang pinahanga niya ang nanood sa punung-punong Big Dome sa kanyang world class performance.
Talaga namang magaling si Billy, iba kung sumayaw, katunayan pati ang itinatag na dance group para lang siya bak-apan sa concert, ang The Movers, napaka-huhusay din.
Bukod sa pagsayaw, magaling ding kumanta si Billy. Sayang at isa o dalawa lamang ang slow songs na narinig kong kinanta niya.
Majority ng mga nanonood ay nagsayaw. Paano kasi, danceable ang mga songs ni Billy. At maging ng kanyang mga guests (Karylle, Kris Lawrence at JayR). Si Rufa Mae Quinto, di na yata tumigil sa pagsasayaw. Ganundin si Yasmien Kurdi, si Tessa Valdez Prieto, umabot pa hanggang sa stage.
Napaka-simple ng stage, may 2 levels, nasa itaas ang kanyang band and back-up singers. Madalas ay dito rin siya kumakanta pero, hindi siya nagsayaw dito sa kakapusan ng space. All his dance numbers were done sa first level.
Obvious na kailangan ng repeat ng It’s Time.
* * *
Daming nanood ng grand finals ng Raging Divas
Tinatawagan ang mga wannabe dance groups para sumali sa Starmall Stardanz contest. Parehistro na sa Customer Service Dept., Starmall Edsa.
Tinatawagan naman ang mga bata na magsuot ng pinaka-paborito nilang costume para sumali sa Jollibee Masquerade Ball na magaganap sa Okt. 21. Maagang trick and treat ito ng Starmall sa kanila.
Marami pang aktibidad na magaganap sa Starmall Edsa. Tumawag lang sa 7181886 para rito.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest