^

PSN Showbiz

Manager, di kinukunsinti ang kabastusan ng alaga!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Tinawagan kami ng kaibigang Girlie Rodis nang mabasa nito ang sinulat namin kahapon sa PM tungkol sa gi­nawang panlalait-pani­nira ni Jimmy Bondoc kina Nyoy Volante at Nina sa kanyang gig sa Blue Wave Bar nung nakaraang linggo.

Pero bago yun ay kinausap muna nito ang kanyang alaga, inalam muna ng man­ager ng acoustic singer kung ano ang totoong nangyari, saka uli ito tumawag sa amin.

Kahit si GR (Girlie Rodis) ay hindi kumun­sinti sa ginawa ng kan­yang alaga, pinanga­ralan nito si Jimmy, pina­ yuhan na para wala nang pagmulan ng anu­mang isyu ay kailangang tumigil na siya sa pag­paparinig kina Nyoy at Nina.

Pero gusto naming bigyan ng espasyo ang isang paliwanag ni Jim­my sa pamama­gitan ng kanyang man­ager, “Yung pagmu­mura niya, hindi para kay Nyoy yun, kanta yun na ginawa niya na siyempre, ang naging inspirasyon niya nung buuin,” ang pagbi-break nila ni Nina.

“Ang pinaka-lyrics ng kanta, e, parang taran­tadong puso ito, nasak­tan na, pero hayun at ku­makatok pa rin. May lyrics talagang PI yun, pero hindi intended for Nyoy na tulad ng akala ng mga nakarinig,” pali­wa­nag ng manager ni Jimmy.

Pero pareho kami ng opinyon ni GR, hindi hinihingi ng pagkaka­taon sa isang eduka­dong lipunan ang mga ginaga­wang paninira ni Jimmy kina Nyoy at Nina, wa­lang pakialam ang mga nanonood ng kanyang gig sa prob­lema nilang tatlo, ang pakialam ng mga ito ay ang magli­bang sa pa­ma­magitan ng pakiki­nig ng magan­dang musika.

At kung talagang ma­tapang si Jimmy ay ha­rapin niya ang taong kinamumuhian niya dahil sinulot daw siya, hindi yung kung kailan wala si Nyoy ay saka siya yak­yak nang yak­yak, traydor ang ga­nung klase ng tao.

Magsukatan sila ng lakas ni Nyoy sa labas ng bar, maghampasan sila ng gitara kung talagang kinakaila­ngan, hindi yung ganun na sa harap mismo ng publiko ay nilalait-sinisiraan niya ang mga taong hindi na­man siya ginagawan ng masama.

Ang mga kaibigan naming nakapanood sa kanya nang gabing si­ raan niya ang kabe-break lang na magka­relasyon ay umalis agad, gusto pa sanang magli­bang ng mga ito pero ang kanilang ka­t­wiran ay hindi na sila kumporta­bleng ma­nood pa dahil bastos ang pinanonood nilang performer.

* * *

Kapuri-puri ang gi­na­gawang pa­ na­na­himik nina Nyoy at Nina sa kabila ng mga patut­sada laban sa kanila ni Jim­my Bon­doc, dun mo ma­pa­pa­tunayan ang pagiging edukado nila, pare-pareho lang naman silang naka­pag-aral pero inilala­gay nina Nyoy at Nina ang kani­lang mga sarili sa ta­mang lugar.

Wala kang maririnig na sagot mula kay Nyoy, kahit si Nina ay tahimik na lang na nasasaktan, habang para namang bina­baeng walang ma­gawa sa buhay si Jimmy.

Tama ang obser­bas­yon ng aming mga naka­usap, ang mga gina­gawa namang pa­ninira ni Jimmy sa da­lawa ay sa kanya mis­mo buma­balik, nasaan na nga ba ngayon ang mayabang na acoustic singer?

“Yung pagiging bit­ter niya, yung pagiging un­gentleman niya, yun ang reason kung bakit wala na siya sa main­stream. Saka first and last time ko na siyang panono­orin, hindi na mauulit pa yun, ang mga gigs na ni Nyoy ang hahanapin namin ng mga friends ko,” sabi pa ng kababa­yan na­ ting naapektuhan sa ginawa ni Jimmy.

Maraming salamat kay Girlie Rodis sa pag­respeto sa aming pro­pes­yon at opinion, ma­raming salamat, dahil hindi nito kinu­kunsinti ang kanyang alaga na lumalampas na sa linya ng kagan­dahang-asal kung upa­kan sina Nyoy at Nina.

Pasalamat si Jimmy dahil mga edukadong tao ang natapatan niya, paano kung ka­sing­ bas­tos niya rin ang kanyang matapatan, di rambol na ito?

Tuloy, kahit pa nag­pa­pakalalaki siya ay marami nang nag­du­duda sa ka­ sarian ni Jimmy Bondoc, may mga nag-iisip na tuloy na hindi siya tunay na lalaki dahil sa katabilan ng kanyang dila.

JIMMY

NINA

NIYA

NYOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with