Maja, torn between 2 suitors
Napakaswerte naman ni Maja
Sa Pangarap na Bituin isang serye na kasalukuyang tumatakbo sa ABS CBN ay lumelevel na siya kina Sarah Geronimo at Rica Peralejo bilang isa sa Jewel Sisters. Binigyan din siya ng isang loveteam sa katauhan ni Jay-R Siaboc at ang istorya nila ay nagbibigay kilig sa mga manonood ng serye. Sila sina Kimberly Bautista aka Ruby Gomez, isa sa mga Jewel sisters at Jeffrey Tuazon, anak ng isang makapangyarihang manager at anak-anakan ng isang kilalang columnist.
Hindi maganda ang kanilang pagkikilala kaya siguradong susundan ang bangayan nilang dalawa bilang JeRuby.
Binigyan ng magkasamang presscon ang dalawa na nataon sa 19th birthday ni Maja. Sinorpresa siya ng staff ng Pangarap gayundin din ni Jay-R na binigyan siya ng regalong kuwintas na ikinataas ng kilay ng marami na boto naman sa tandem ni Maja at Jason Abalos.
“Binigyan niya ako ng relo,” sagot ni Maja sa tanong kung ano ang birthday gift sa kanya ni Jason na hindi na sikreto ang pagtatangi sa dalaga.
“Mahal ko siya,” ang sabi naman ni Jay-R nang tanungin kung ano ang nadarama niya sa kapareha.
Mapapanood ang Pangarap na Bituin gabi-gabi, pagkatapos ng Lastikman.
* * *
Masaya ako nang malaman ko na sold out pala ang ticket para sa It’s Time concert ngayong gabi ni Billy Crawford sa Araneta Coliseum. Nung una kasi akong magtanong naunang maubos yung mga mamahaling ticket, marami pang natitirang mura pero as of yesterday morning, ubos na kaya pati press magkakasya na lamang sa tig-iisang tiket.
Isang anak-anakan ko si Billy na hindi pa gaanong recognized ang talento dito sa atin gayong very proud siya to be a Pinoy. Siguro dahil nauna siyang sumikat sa abroad, gayundin ang kanyang mga records.
Pero, lahat ng mga guests ni Billy ay nagsasabing maganda at naiiba ang It’s Time, kapag napanood mo raw ay talagang ipagmamalaki mong Pinoy si Billy. Mahirap pumuri at baka masabing PRO pa ako, manood na lang kaya kayo. See you there!
* * *
- Latest