^

PSN Showbiz

Tattoo, simbulo ng pagmamahalan ngayon

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Laman ng mga pa­hayagan ngayon si Nora Aunor, nagbu­bunyi ang mga Nora­nian, dahil ibinasura na ang kaso ng drogang kinasangkutan niya sa Amerika. Ma­gandang balita ito para sa Su­perstar, burado na ang kanyang kaso sa Ame­rika, ang ibig sa­bihi’y ligtas na siya sa pag­kakulong.

Matagal na pana­hon ding binagabag ng ka­song ito ang kapa­milya ng aktres, wala ring patlang ang pag­darasal ng kanyang mga taga­hanga na sana’y malig­tasan niya ang pagsubok na ito at dininig naman ng langit ang kanilang mga da­sal.

Marso nung 2005 nang mahuli sa Los Angeles Airport si Nora Aunor na may dala-dalang shabu at pipa sa kanyang bag, para ma­pagaan ang kan­yang kaso ay nagbigay siya ng guilty plead nung naka­raang taon, at sa loob nang 18 bu­wan ay re­gular siyang nagre-re­port sa kan­yang proba­tion officer kasabay ang pagkum­pleto sa apatna­pung beses ng drug test.

Ngayon ay nakaba­sura na ang kanyang kaso, no more record on file, dismissed na yun dahil sumunod na­man siya sa mga iti­nalaga ng batas sa Amerika.

Bilang mga kapwa Pilipino, masaya tayo sa kinahinatnan ng kaso ni Nora Aunor, tanggapin natin ang katotohanan na anu­man ang mang­yari ay isa pa rin siyang super­star, maraming buhay ang maapek­tuhan kung ma­kukulong siya.

Bahagi na ng buhay ng mga Pinoy si Nora, mga batang kapanga­nganak pa lang ang hindi nakakakilala sa kanya, kaya ang pag­kaligtas niya sa isang sigura­dong indulto sa ibang bansa ay natural lang na ikina­liligaya natin.

Pero tama rin ang emosyon ng marami nating kababayan, ka­sama na ang kolum­nistang ito, na ang paki­kipaglaban ni Nora sa problemang ito ay nag­sisimula pa lang at hindi pa natatapos.

Lagi nating tatan­daan na kaya siya nag-plead ng guilty nung naka­raang taon ay dahil isang kompromiso yun para mapagaan ang kanyang kaso.

Hindi kami nanini­wala na kaya nagbigay ng ganung testimonya si Nora ay dahil sa gusto lang niyang pa­babawin ang kanyang pagdurusa, kundi dahil totoong gi­nawa niya ang ibinibin­tang sa kanya, sa ga­nung po­sisyon ay alam na natin kung ano ang totoo tungkol sa kaga­napan.

Hindi na namin ka­ilangan pang detal­yehin ang mga kwento, pero ang istorya na­man ng pagdodroga ay parang ikalawang balat na ni Nora Aunor kung pa­anong kapag bi­nanggit mo ang panga­lan ni Nora ay kabuntot na nun ang salitang casino.

Pero ang bawat tao ay binibigyan natin ng kalayaang mapatuna­yan sa kanyang sarili at sa mundo ang kanyang pag­ babago, nawa’y mag­silbing leksyon na kay Nora ang pinagdu­sahan niyang kaso sa Amerika, harinawang wala nang sumunod pa ulit dito.

* * *

Ipinabura na ni Kon­ sehal Aiko Melen­dez ang tattoo ng pangalan ni Martin Jickain sa kanyang katawan, kung mata­tan­daan, nung na­ka­raang linggo ay una nang nagpabura ng tattoo si Martin, isang disenyo ng Yin-Yang ang ipinapatong nito sa pangalan ng aktres-pulitiko.

Bulaklak naman ang ipinatong ni Aiko sa pangalan ni Martin isang sensyal ito na pinani­nindigan ni Aiko ang kanyang sinabi sa The Buzz na “it’s over,” tinul­dukan na nga niya ang kanilang relasyon.

Hindi na uso ang sing­sing ngayon bilang tanda ng pagmamaha­lan, tattoo na ang uso, hindi nga ba’t yun din ang naging paraan ng sumpaan nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo?

Ang piniling disenyo ni Aiko bilang pangta­kip sa pangalan ni Mar­tin ay bulaklak, maka­hu­lugan yun, ang bu­laklak ay sumisimbolo sa babae na kaila­ngang iniingatan at minamahal at hindi sinasaktan.

Sabi nga sa isang pelikula, “Ang babae ay parang bulaklak, huwag mo na lang pitasin kung sisirain-wawasakin mo lang.”

Isang tattoo artist lang ang gumawa ng kanilang mga tattoo, si Gene Testa siguro’y napapailing na lang ito ngayon dahil sa kinahi­natnan ng pag­ma­maha­lan ng kan­yang mga kliyente.

Ayon sa mga kaki­lala namin ay mas ma­hirap magpabura ng tattoo kesa sa magpa­lagay at kahit anong pagbura ang gawin ay meron pa ring natiti­rang alaala yun, may maki­ kita ka pa ring pilat ng nakaraan.

AIKO

AMERIKA

KANYANG

NORA

NORA AUNOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with