Mark at Marky, inintriga ni Billy
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang concert ni Billy Crawford sa Araneta Coliseum titled It’s Time na idaraos sa October 6. Kasama nito ang well-renowned French choreographer na si Maryss.
Naitanong namin kay Billy kung sino sa palagay niya ang mas magaling na dancer, si Marky Cielo o si Mark Herras. Sinabi nitong mas magaling si Marky na paborito ngayon ng GMA7.
Twenty five years old na ang world class performer kung saan ikararangal ito ng mga Pinoy na naging NRJ Music Awardee sa
Sa kabilang banda, inamin naman ni Rufa Mae Quinto na malapit lang silang magkaibigan ni Billy at lumalabas naman sila for a date pero purely friendship lang ang namagitan sa kanila. Manonood ang aktres ng concert ni Billy.
Faith, Hinangaan Sa
Si Faith Cuneta ang tinaguriang Diva sa makabagong henerasyon. Matapos mai-release ang kanyang album na “Faith Begins: The Live Album” at kumanta ng theme song ng natapos na teleseryeng Impostora ay nagkasunud-sunod na ang singing commitment nito.
Maraming Cebuano ang humanga sa kanyang husay sa pagkanta sa nakaraang Cebu Tour at naging guest pa ni Cong. Butch Pichay sa Chess Tournament Awarding Ceremony.
Kasalukuyan niyang pinu-promote ang “Minsan Pa” na pinasikat ni Zsazsa Padilla na gagamiting theme song sa bagong Asianobela na malapit nang mapanood.
Katrina, Gusto Namang Maging Bida
Natutuwa naman si Katrina Halili na nabigyan ng malaking break sa Marimar bilang kontrabida. Ngayong sobrang sama na ng ugali nito ay inaasahan niyang aani siya ng mura mula sa manonood.
“Pero kaya ko ring maging mabait. Ayaw ko namang ma-typecast na kontrabida, gusto ko namang maging bida,” sabi niya.
Mala-Engkantong Pakikipag-Sapalaran
Mula sa manunulat na si Neil Gaiman at ng director na si Matthew Vaughn, isang pelikula ang inihahandog ng Paramount Pictures, ang Stardust, isang nakakagayumang kasaysayan ng isang bulalakaw na napunta sa isang mahiwagang kaharian.
Nagsimula ang Stardust sa pangarap ni Tristan (Charlie Cox) na ibigay sa kanyang nililiyag na si Victoria (Sienna Miller) ang isang bulalakaw na nakita niyang bumagsak mula sa langit.
Nagulat si Tristan nang matuklasang ang bulalakaw ay isang babae, si Yvaine (Claire Danes) at dito nagsimula ang walang katapusan nilang pakikipagsapalaran matakasan lang ang mga humahabol sa kanila- mula sa mababagsik na mangkukulam hanggang sa mga baliw at makapangyarihang prinsipe, mga piratang lumilipad at nag-eespadahang goblins.
Kasama rin sa cast sina Ricky Gervais, Jason Fleming at Rupert Evert sa mga di-malilimutang papel.
Ang pelikula ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation at ipalalabas sa mga sinehan ngayong Oktubre 10.
- Latest