^

PSN Showbiz

Dating actor, alaga ng Yakuza sa Japan

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Naniniwala kami na may ka­rapatan ang isang artistang kagaya ni Dennis Trillo na huwag aminin sa pub­liko kung siya man ay may anak na o wala. Bagama’t marami na ang naggigiit noon pa man na siya nga ang nakabuntis sa kanyang girlfriend na si Carlene Aguilar na kapapa­nganak pa lamang sa Amerika, noong mag-deny siya at mag-deny din naman ang girl­friend niya ay kara­patan nila iyon.

Lalong karapatan ng isang ina kung sa­sabihin niyang hindi ma­halaga kung sino man ang ama ng kan­yang anak. Sa ilalim ng umiiral na batas sa ating bansa, ang isang bata na isinilang na hindi kasal ang mga magu­lang ay nana­natiling anak la­mang ng kan­yang ina, mali­ban kung akuin ng ama na siya nga ang tatay ng bata. Sa kaso ng ba­tang sinasabing anak ni Dennis, ibang batas pa ang naka­kasaklaw dahil ipina­nganak ito sa US.

Katunayan, ang bata ay maaari pa ngang maituring na isang American citizen dahil doon siya sa US ipinanganak. Ang prin­sipyong sinusunod ng US sa citizenship ay “jus soli” -  ibig sabihin, basta doon ka ipina­nganak ay Kano ka. Dito naman sa Pilipi­nas, ang sinusunod ay “jus sanguinis” ibig sabihin, saan ka man ipinanganak ang ma­susunod ay ang citi­zenship ng mga ma­gulang mo.

Sinasabi nila, aami­nin naman daw ni Den­nis na siya nga ang ama ng batang yon dahil nabulgar na rin lang na ang apelyido noon ay Ho, na siyang tunay na apelyido ni Dennis. Pero kung nag­kaila man siya noong una, karapatan niya nga yon at hindi naman tamang sabi­hing sinungaling siya. Maaaring ginawa la­mang niya yon para bigyan ng proteksiyon ang kanyang career.

Alam naman ninyo rito sa atin, hindi basta natatanggap na ang isang artistang lalaki ay tatay na pala talaga.

* * *

May mga observers na nagsasabi sa amin, ang talaga raw dahi­lan kung bakit inaalat at hindi maka-abante sa ratings ang Chan­nel 2 ay dahil sa iyon at iyon din ang mga artistang binibigyan nila ng proj­ects dahil ang mga iyon ay naka­tali sa kanila sa isang kontrata. In turn, naka­tali rin naman sila sa kontrata ng mga artis­tang madalas na­ting mapanood.

Ngayon na nga lang matatawa ka sa mga kumakalat na kuwento. Si Diether Ocampo daw ang ma­giging leading man ni Clau­dine Barretto sa kan­yang pagbabalik.

Goodbye Claudine.  Si Piolo Pascual na­man daw ang magi­ging leading man ni KC Concepcion sa kan­yang gagawing peli­kula, ayaw man na­ming sabihin pero muk­hang goodbye KC na rin ang mangyayari.

Bakit kasi hindi na lang sila kumuha ng mga artistang baba­gay sa projects at hindi puro na lang iyong mga naka-kon­trata sa kanila na malabo naman ang batak sa tao.

* * *

Ang totoo pala, over staying na sa Japan ang isang male star na Pinoy na nagtatra­baho roon noon pa man bilang isang hos­to. Kaya lang daw iyon nakakapag­ tagal doon ay dahil alaga siya ng isang bading na ma­lakas din sa isang sin­dikato. Hawak pala siya ng Yakuza kaya malakas ang loob niya.

Kung sabagay, ma­rami rin ang nagsa­sabing ok lang siguro iyon kung hindi man siya makauwi, tutal dito naman wala na rin siyang career.

CARLENE AGUILAR

ISANG

MAN

PLACE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with