Matt, Olyn, di na nag-uusap
Bilib kami sa pagiging gentleman, loyal at honest ni Rayver Cruz dahil maski na kaliwa’t kanan na ang mga balitang naglalabasan tungkol sa diumano’y relasyon nina John Prats at ng ka-loveteam niyang si Shaina Magdayao ay nanatiling tikom ang bibig niya.
Hindi naman siguro manhid ang batang aktor tungkol sa mga latest chisms sa showbiz dahil magkakasama sila sa iisang network at magka-grupo pa sa UD4 at sa programang ASAP ’07, pero ang tanging comment ni Rayver tungkol sa isyu ay, “As long as wala pong sinasabi si Shaina sa akin, hindi po ako naniniwala. Sa kanya lang po ako maniniwala,” very honest na pahayag ng binatilyo.
Hindi naman itinanggi ng ka-loveteam ni Shaina na kung sakaling totoo nga na may relasyon ang babaing minamahal niya at ang kaibigang si John ay magi-give way siya dahil katwiran niya, “Siguro po, hindi talaga ukol at saka bata pa naman kami, willing akong maghintay,” saad pa.
Naapektuhan ba siya sa mga naririnig niyang tsismis tungkol sa ka-loveteam at kay John?
“Hindi ko po kasi alam ang buong kuwento, hindi naman kasi ako nagbabasa ng pahayagan at wala rin namang nagsasabi, so wala po akong alam o kung mayroon, hindi detalyado. So hihintayin ko na lang si Shaina na magsabi kung sasabihin nga niya, pero sa kanya lang po ako maniniwala talaga,” magandang paliwanag ng bina tilyong aktor.
Napakasuwerte ng babaing makakarelasyon ni Rayver dahil bukod sa super bait, gentleman, may breeding, nag-aaral at higit sa lahat man of few words.
Samantala, sina Rayver at Shaina ang featured artist sa Your Song na mapapanood this Sunday pagkatapos ng ASAP ’07 para sa awiting “Just A Smile Away” ng Shamrock.
* * *
Gaano katotoo na ilang linggo nang hindi nag-uusap o nagkikita ang mag-sweethearts na Matt Evans at Olyn Meimban?
Ito ang tsika sa amin ng taga-Dos na hindi raw nagkikita’t nagkakausap ang dalawa dahil bisi-bisihan daw ngayon ang aktor sa pagtatapos ng Pedro Penduko at ang mga Engkantao this October.
“Lagare kasi si Matt sa taping din ng Hairy Harry ng Love Spell, so wala siyang time, pero ang alam ko, nagte-text siya kay Olyn, hindi ko lang alam kung sinasagot kasi minsan si Matt makikita mo malungkot, hindi kumikibo,” kuwento sa amin.
Dagdag kuwento pa sa amin na, “Baka nagselos na talaga si Olyn kay Melissa (Ricks)?”
Sabagay, sinusubukan din naming tawagan si Olyn pero hindi namin siya ma-reach. – REGGEE BONOAN
- Latest