^

PSN Showbiz

Heart, ayaw maging kontrabida nina Piolo at Angel!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

In-assure ni Heart Evangelista ang fans ni Sarah Geronimo na hin­di matatapakan ang singer-actress sa pag­pasok niya sa Panga­rap na Bituin. Gagawin lang niya ang role niya as Cassie Salcedo, ex-girl­friend ni Terrence Rod­riguez (Jericho Ro­sales) at guest role lang ito, kaya ang mga bida pa rin ang magka­katu­luyan in the end.

“The Next Big Thing” ang tawag ni Heart kay Sarah at alam niyang marami itong fans at ayaw nilang magalit ang mga ito sa kan­ya. Ma­gan­da at nakakaiyak daw ang role ni Cas­sie, kaya ti­nang­gap niya at ad­vantage sa ka­nila ni Echo na magkasama sa trabaho.

Ilang linggo pa ang Pasko, pero masaya nang in-an­nounce ni Heart na White Christ­mas ang mang­ya­yari dahil after three years, bati na sila ng kan­yang ama. Nili­naw nitong hin­di ang relas­yon nila ni Echo ang ra­son, kundi ang pag­papa-inter­view niyang su­per strict ang ama.

“Napagbin­tangan lang si Echo, pero wala siyang ka­salanan. Very hap­py nga si Echo na bati na kami ng dad ko at nag-iisip na siya kung paano kami lalapit na dalawa sa kanya.”

Ibinalita rin ni Heart na in-offer siyang isama sa soap nina Angel Loc­sin at Piolo Pas­cual, pero hindi niya ti­nang­gap dahil feeling niya, kontrabida siya sa istorya at baka sumabay sa taping ng Bating­ting, ang bago niyang soap sa ABS-CBN. May ga­gawin din siyang mov­ies sa Star Cinema with Aiai delas Alas at sa Regal.

* * *

Dumating na ang ki­natatakutan ni Jean Gar­cia na maintriga si Jennica Garcia. Naiyak ang anak sa contract sign­ing nito as the new­est endorser/image model ng Bonjour de Corp nang usisain sa lumabas na blind item dahil sa sobrang PDA nila ni Mart Escu­dero sa taping ng Pa­san Ko Ang Daigdig, pina­yuhan ng ina ang ka-love­team na guma­mit ng condom.

“Hindi sa­sa­bihin ng mom ko ‘yun, kilala ko siya. Ang sinabi lang ni­ya sa amin ni Mart ay ‘wag magmadali sa pag-ibig at ca­reer muna ang unahin. Nag-promise rin ako sa dad ko na sa ca­reer ko ako magpu-fo­cus at tutu­parin ko ‘yun,” wika nito.

Nagtatanong si Jen­nica kung ano ang na­­gawa niya para masulat ng hindi ma­gan­da. Ang payo na lang ng mana­ger nitong si Manny Va­lera ay maging careful sila ni Mart sa kanilang mga kilos lalo na ‘pag maraming tao sa paligid.

Ipinaintindi rin kay Je­nnica na marami pang kontrobersya ang da­rating sa kanya ha­bang dumarami ang trabaho niya at nagka­kapangalan siya sa showbis. Bu­kod sa PKAD, napa­panood siya sa Boys Nxt Door at showing sa Oct. 31 ang Haunted House (dating Hide and Seek) nila ni Mart.

ANGEL LOC

BOYS NXT DOOR

CASSIE SALCEDO

HAUNTED HOUSE

HEART EVANGELISTA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with