Sarah, sobrang lungkot sa pagkamatay ng lola
Sad news ang sumalubong kay Sarah Geronimo the other day nang dumating siya sa bansa after ng more than a month na US concert tour ng Sarah Geronimo in Motion. Namatay kasi last Saturday ang kanyang favorite lola.
Kaya naman hindi muna magawang magkwento ng singer/actress sa tagumpay ng kanyang concert sa 12 cities sa Amerika dahil sa sobrang kalungkutang nararamdaman.
Buti na lang at nanood ang kanyang lola sa kanyang super successful concert sa Araneta Coliseum kung saan naka-wheelchair itong dumating at kinantahan pa ni Sarah.
Next week, back to work si Sarah.
* * *
Looks like nag-stay na for good sa bansa ang singer na si Keith Martin. Remember him? Siya yung voice behind the super hit sa bansa na “Because of You” na natatandaan kong theme song noon nina Ara Mina and Jomari Yllana.
Hindi na pala siya umalis ng ‘Pinas after niyang mag-promote noon ng nasabing kanta. At ngayon after ng single monster hit niyang ‘yun, hindi na siya masyadong kumakanta, nagma-manage na lang siya ng isang female singing group.
The other night, kasama na siya sa group ng mga host ng programang Sabado Boys hosted Jimmy Bondoc, Paolo Santos, Mike Chan, Luke Mejares Top Suzara and DJ Myke.
Ang Sabado Boys ay nasa ika-third season na at napapanood sa RPN 9, every Saturday 9:00 to 10:00 p.m.
Kilalang magagaling na singer sina Jimmy, Paolo, Luke and Top kaya hindi ninyo na kailangang gumimik para makinig ng mga music nila with matching konting tawanan. May kanya-kanya silang segments like Kantang Kalye, Jamming, Spotlight among others na sini-share nila sa viewers ang kanilang knowledge when it comes to music.
At least for a change, hindi sila nagsisigawan habang kumakanta.
Anyway, nang tanungin si Jimmy kung puwede kayang mag-guest sa programa nila ang ex-girlfriend niyang si Nina, say ng singer, ok lang naman daw, ‘wag lang si Nyoy Volante na ex-boyfriend din ni Nina though joke lang daw ng alagang singer ni Ms. Girlie Rodis.
Common knowledge na nagkaroon ng word war sina Nyoy at Jimmy. Lumabas ang maraming issue tungkol kay Jimmy na in the end ay na-vindicate naman dahil wala rin nga namang nangyari sa relasyong Nyoy at Nina na sabay din halos nawalan ng career nang mag-split.
Ang Sabado Boys at produced ng ETCetera Productions.
* * *
Sa trailer pa lang, nakakatawa na kaya obvious na kikita ang latest offering ng Viva Films na Apat Dapat, Dapat Apat. Malamang ito ang maging biggest comedy film of the year. Consider the cast, the director, the writer and the big-time budget that Viva Films poured into the project.
Minsan lang mangyayari na nagsama-sama ang kino-consider na apat na local cinema’s wackiest comedians – Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Pokwang and Candy Pangilinan. Pinagsama rin ng Viva Films ang tandem nina Director Wenn Deramas and screenwriter Mel del Rosario. Ang kombinasyon nila ang nasa likod ng matagumpay na Ang Cute Ng Ina Mo na tumabo rin sa takilya.
Idagdag pa na P30 million ang budget ng Viva kaya maraming nagsasabi na malamang ay malampasan nito ang Ang Cute Ng Ina Mo in terms of box-office result.
No wonder Viva’s Vincent del Rosario is excited. “We spared no expense for Apat Dapat, Dapat Apat. We’re that confident it’s going to make it big,” he says.
Showing na sa October 10 ang pelikulang feeling ko eh nakakasakit ng tiyan.
Magkakaibigan ang role nila rito na nagtagpo ang landas nang sakay sila ng bus na muntik nang mahulog sa bangin. Salamat sa Diyos at himala silang nakaligtas. Doon magsisimula ang kanilang pagkakaibigan at sumumpa silang magiging magkaibigan for life.
May kanya-kanya silang buhay sa Pilipinas, pero pawang mga hindi sila kuntento kaya nag-decide silang maging overseas Filipino worker (OFW) sa Hongkong.
Doon magsisimula ang riot ng pelikula – nang dumating sila sa HK.
- Latest