Shyr Valdez, tinalo sina Jaclyn, Jackielou para sa Burnham docu
Matatandaang nasulat namin before na maraming artistang ayaw mag-guest sa Boy N Kris ng ABS-CBN dahil sa pango-ookray daw ni Kris Aquino kaya’t sa planong pagri-reformat ng show, binaligtad ang concept, sina Boy Abunda at Kris na ang mismong dadalaw sa mga artista.
Samantala, kung hindi magbabago ang plano ay replay ang episode ng BnK mula October 1 hanggang 5, bilang paghahanda sa pagri-reformat at kung hindi rin babaguhin ang plano ay unang live remote ni Kris ay ang magandang bahay nina Sharon Cuneta at KC Concepcion.
“Next ang set visit naman sa taping ng Piolo Pascual at Angel Locsin. Bale talk show pa rin ang concept with lifestyle,” dagdag tsika sa amin ng taga-Dos.
Susme, pag hindi pa rin kinagat ang ganitong concept ng Boy N Kris, e, iisa lang ang ibig sabihin, kailangan na naman nilang magpalit ng programa or tsugihin na talaga si Tetay dahil hindi siya type ng viewers.
* * *
Remember Shyr Valdez? Hindi naman siguro ako sasagutin ng mga readers ng PSN ng ‘da who’?
Anyway, nalaman namin na ito palang si Shyr na ang huling pelikulang ginawa ay ang Maganto ni Senator Bong Revilla 12 years ago pa ay nakagawa pala ng docu film tungkol kina Martin at Gracia Burnham na kinidnap sa Dos Palmas Resort sa Palawan nung 2001.
May titulong Search and Destroy ang titulo ng docu film ni Shyr na mapapanood daw sa History Channel sa US na idinirek ni Mark Bowden na ni-research naman ni Aaron Bowden.
Anyway, tinalo ni Shyr ang dalawang premyadong aktres na sina Jaclyn Jose at Jackielou Blanco para sa role ni Gracia Burnham at si Mark Gil naman ang gaganap na Martin Burnham.
Tatlong araw lang ang shooting days sa
Kuwento ng katotong Rommel Gonzales na kaibigan ni Shyr, “Kapatid, na-syokot ang lola Shyr mo kasi nakatutok talaga ay tunay na armalite at ganun pala ang mga Amerikano, talagang walang dobol-dobol, hindi pala uso, feeling nila ay hindi babae ang lola mo.”
Samantala, ang huling TV show ni Shyr ay ang guesting niya sa Mga Mata Ni Anghelita sa GMA-7 na magtatapos na.
* * *
Inabangan namin last Monday ang pilot airing ng Lastikman ni Vhong Navarrro at maski na malabo ang signal ng ABS-CBN sa amin sa Cubao ay pinagtiyagaan namin at maganda naman, maski na mga mukhang nakabalot sa supot na plastic sina Tonton Gutierrez, Gloria Romero, Ian Veneracion dahil nga taga-ibang planeta sila ay maganda naman ang pagkakagawa at say mismo ng taga-GMA-7 executive na inabangan din ang kalaban ng Zaido ay, “In fairness, maganda ang effects, mahusay si Direk Chito (Roño), sana ma-sustain ang istorya,” tsika sa amin.
At ang comment naman ng executive ng Dos na nag-abang din sa Zaido ay, “Sobrang hapit ang costume ng mga bida na nasa billboard ng Edsa, mga tabingi naman ang nota.”
Anyway, wagi ang Zaido sa ratings game sa Mega Manila na 34.6% over Lastikman 30.3%; pero winner naman sa Metro Manila na 32.9% over Zaido na 32.3% at sa Suburbs, 39.1% ang Zaido at 25.3% naman ang Lastikman.
* * *
Hindi raw kayang iwan ni Jacky Rivas ang Sexbomb kaya tiniis niyang gumising ng maaga para makadalo sa thrice a week na jazz lesson for a month bilang isa sa parusa sa kanya ng manager niyang si Joy Cancio.
Bukod dito ay before the call time na rin kung dumating sa Eat Bulaga si Jacky at hindi tulad dati na ilang minuto na lang ay opening na ng programa kung dumating kaya’t hindi na siya isinasalang pa sa grupo.
“Kailangang bigyan siya ng leksyon o sa lahat ganu’n ako, para may disiplina, hindi puwedeng gusto nila ang masusunod,” ito ang pangangatwiran sa amin ni Ms. Joy. – REGGEE BONOAN
- Latest